Lolit Solis ipinagtanggol si Janno Gibbs: Nasa puso niya ang ama

Lolit Solis ipinagtanggol si Janno Gibbs: Nasa puso niya ang ama

PINALAGAN ng kolumnists at talent manager na si Lolit Solis ang mga taong patuloy na bumabatikos kay Janno Gibbs at sa pamilya nito.

Ito ay may kaugnayan sa pagbabakasyon ng mga ito sa Japan matapos ang pagkamatay ng ama nitong si Ronaldo Valdez.

“Binibigyan malisya ng marami Salve lyon bakasyon ni Janno Gibbs sa Japan. Dahil kamamatay lang ng tatay niyang si Ronaldo Valdez gusto nila makita iyong grieving period ni Janno,” saad ni Lolit.

Ayon sa kolumnista, hindi naman porke hindi nakikita ng mga tao ang kanyang pag-iyak ay ibig sabihin hindi na ito nagluluksa.

“Not because you did not cry means you are not sad. Sadness is in the heart, hindi kailangan lahat nakakakita. Even in a crowd, puwede kang malungkot na hindi alam ng mga kasama mo,” pagpapaliwanag pa ni Lolit.

Aniya, “personal emotion” ito ng isang tao at hindi naman kailangang malaman pa ng madlang pipol.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs nangungulila kay Ronaldo Valdez: ‘Miss you, papa’

Sey ni Lolit, “For sure kahit nasaan pumunta si Janno Gibbs nasa puso niya ang ama na si Ronaldo [Valdez].”

Chika pa niya, dapat ay patahimik na raw ang namayapang beteranong aktor at huwag nang isali ang pangalan sa mga walang kwentang isyu.

Baka Bet Mo: Lolit Solis bet na bet si Andrea Brillantes: Hindi siya duwag

“Let him rest in peace. Huwag na natin gamitin pa ang pangalan niya para lang sa mga walang kuwentang issue,” sey ni Lolit.

“Let us respect his memory. Go Janno in your own way of grieving for your dad. Let us pray together for his soul. Amen.

Read more...