Katrina Halili ‘never’ pinangarap na maging artista: Kasi mahiyain ako…

Katrina Halili ‘never’ pinangarap na maging artista: Kasi mahiyain ako…

PHOTO: Instagram/@katrina_halili

INAMIN ng batikang aktres na si Katrina Halili na kailanman ay hindi niya naisip na siya ay magiging artista.

‘Yan ang kanyang chinika kasabay ng pagdiriwang niya ng 20th anniversary sa showbiz industry.

Sa naging panayam sa podcast ni Pia Arcangel na “Surprise Guest,” ibinunyag ng aktres na wala talaga sa plano niya na pasukin ang entertainment industry dahil masyado siyang mahiyain noon.

“Never, hindi ko siya dream,” sey niya.

Paliwanag niya, “Hindi dahil hindi ko siya type, kundi feeling ko hindi ko talaga siya kaya. Kasi mahiyain ako, pero ako lang nakakaalam.”

Sa kabila ng mahusay na pag-arte, sinabi ng 37-year-old actress na hindi niya kayang panoorin ang kanyang sarili on screen.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

“Pero mahilig ako manood ng movies, may mga ginagaya akong lines. Claudine Barretto, mga movie niya before favorite ko. Pero never ko imagine ‘yung sarili ko na papanoorin kasi mahiyain nga ako,” sambit niya.

Nagkaroon din siya ng rebelasyon na hindi raw siya nag-audition upang maging parte ng biggest reality talent show na “StarStruck.”

Ang nangyari raw ay na-discover siya habang kumakain sa isang restaurant.

“Hindi po ako nag-audition nakuha ako sa roving, ‘yung kumakain lang sa restaurant tapos sabi pasok nako sa Top 100 ng Starstruck,” pagbubunyag ng aktres.

Kasunod niyan, nilinaw niya ang pagiging “maldita” umano niya bilang artista.

“Ang tingin sakin sa StarStruck maldita, pero hindi ko lang talaga ginagawa ‘yung task kasi nahihiya ako,” chika niya.

Kwento pa niya, “Actually, wala ngang alam, ‘yung family ko na nasa Starstruck ako, nakita na lang nila ako sa TV. Ayoko kasi may makakita sakin, nahihiya ako.”

“Ang pinaka naging close ko unang-una si Cristine Reyes, tapos Mark Herras, silang dalawa. Kasi mga bad boy and bad girl. Mga hindi rin nagpa-participate. Napasama ako sa kanila kaya naging mukhang bad girl rin ako,” dagdag pa niya.

At dahil nga sa maldita image niya ay nakuha niya ang titulong “Primera Kontrabida” at nakilala siya bilang kontrabida sa mga teleserye gaya ng “Majika,” “Marimar,” at “Darna.” 

Si Katrina ang kauna-unahang StarStruck contestant na nanguna sa listahan ng FHM Philippines’ 100 Sexiest, at unang Pinay celebrity na nanalo ng nasabing titulo sa dalawang magkasunod na beses.

Read more...