TILA nabahiran ng nakakatakot na experience ang masaya sanang bakasyon sa Japan ng TV host-actor na si Jhong Hilario at ng kanyang pamilya.
Paano ba naman kasi, aktwal nilang naranasan ang napakalakas na lindol sa nasabing bansa.
Nasa ika-22nd floor na hotel si Jhong kasama ang kanyang partner na si Maia Azores at two-year-old daughter na si Sarina nang tumama ang magnitude 7.6 earthquake sa Japan noong araw ng Bagong Taon.
Sa Facebook, ibinandera ni Jhong kung gaano kalakas ang lindol na kung saan ay maririnig pa ang pag-uga ng tinutuluyan nilang hotel.
Mapapanood din na tila takot na takot ang kanyang partner na inaaya na siyang bumaba ng building, at si Sarina naman ay napapasigaw ng: “Ang lakas!”
Baka Bet Mo: Bea ipinag-pray mga biktima ng lindol sa Japan: Sana wala ng aftershocks
Si Jhong naman ay napadasal at nanatiling kalmado.
“Earthquake in Osaka, Japan from the 22nd floor. Thank you Lord, safe kami lahat,” wika niya sa kanyang FB caption.
Ani pa niya, “Praying for those who are affected.”
Sa isang exclusive interview with ABS-CBN, ikinuwento ni Jhong na lumabas na sila sa kanilang hotel room nang huminto na ang pagyanig.
Nabanggit din niya na marami ang hindi nagpa-panick habang nangyayari ang lindol dahil normal naman daw sa nasabing bansa ang mga ganung klaseng sitwasyon.
“[Traumatizing para kay Maia] kasi first time niyang maramdaman ‘yon na gano’n kami kataas,” sey niya.
Chika pa niya, “Tsaka medyo nakakatakot din kasi may tsunami warning daw. So at least—thank God—safe kami nakauwi.”
Ligtas na nakauwi ng Pilipinas si Jhong at ang kanyang mag-ina noong Martes, January 2.
Samantala, umabot na sa 62 ang mga namatay dahil sa malakas na lindol sa Japan.