Patikim ng ‘Sang’gre’ pak na pak; Kyline bida sa remake ng hit K-Drama

Patikim ng 'Sang'gre' pak na pak; Kyline bida sa remake ng hit K-Drama

Ang cast members ng ‘Encantadia Chronicle: Sang’gre’

PASABOG agad sa 2024 ang latest pasilip sa iconic telefantasya ng GMA Network na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Makikita sa teaser na inilabas nitong nagdaang January 1 ang pagsasama-sama ng dalawang henerasyon ng mga Sang’gre.

Past meets present nga ang kanilang peg habang nagkakasiyahan sa isang bar.

Sinimulan ang video ng very hot appearance nina Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Glaiza de Castro bilang Pirena.

Baka Bet Mo:

Sinundan naman ‘yan ng grand entrance ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva, at Angel Guardian.


Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang patikim na ‘yan ng GMA sa mga Kapuso viewers all over the universe.

Komento ng isang netizen sa official Facebook page ng serye, “Superrr excited na talaga akooo!!! Slayeddd in. Modern version! Grabe pasabog!

“Angas ng teaser!! Ang lakas maka-Gen Z! The characters look great in mortal world. It’s a refreshing scene,” sabi naman ng isa pa.

Talaga namang marami na ang abangers at atat na atat na sa pagbabalik ng “Encantadia” sa primetime TV. Mapapanood na yan soon sa GMA Network.

* * *

Tuloy-tuloy na nga sa pagbibigay ng mga kakaiba at makabuluhang programa ang GMA Afternoon Prime ngayong 2024!

Ipalalabas this year ang kauna-unahang adaptation ng isang Korean Drama sa afternoon slot na pinamagatang “Shining Inheritance.”

Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, at seasoned actress Ms. Coney Reyes.


Makikilala naman si Kapuso Little Princess Jo Berry bilang si “Lilet Matias: Attorney-at-Law.” Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng “Mommy Dearest,” “A Mother’s Tale,” at “A Family Like Us.”

Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na “Forever Young” at “For the Love of Kobe.”

Magsisimula naman this January 8 sa GMA Afternoon Prime ang handog ng GMA Public Affairs na “Makiling” na pinangungunahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Abangan ang mas pinalakas na GMA Afternoon Prime ngayong 2024!

Read more...