Resbak ni GRETCHEN sa INA: May kasabihan tayong kakambal ng sinungaling, magnanakaw! | Bandera

Resbak ni GRETCHEN sa INA: May kasabihan tayong kakambal ng sinungaling, magnanakaw!

Ervin Santiago - October 29, 2013 - 03:00 AM


BAKIT kaya tila mas mara-ming kakampi si Gretchen Barretto sa bangayan nila ng kanyang nanay na si Inday Barretto?
Kapansin-pansin kasi na bukod sa mga taong nakakausap namin nang personal, halos lahat ng nababasa namin sa Twitter, Instagram at Facebook ay kontra sa pagsasalita ng nanay ni Claudine laban sa itinakwil nilang anak na si Gretchen, may ganu’n daw palang klase ng ina sa mundo?

Pero may mangilan-ngilan namang ina rin na nagsabing walang kuwentang anak si Gretchen, sana raw ay tumigil na ito sa pagsasalita ng masama laban sa nanay niya, dahil kahit ano pang mangyari, utang pa rin niya ang buhay niya rito.

Sabi nga ng isang kausap naming nanay din, “Hindi ba siya natatakot sa gaba? Sa karma? Kung ngayon ay buhay-reyna siya sa piling ng mayamang partner niya, kapag pinarusahan siya ng langit dahil sa ginagawa niya sa nanay niya, magsisisi siya.”

Dagdag pa nito, “Kaila-ngan ba talagang palamunin niya ang ina niya ng kung anu-anong masasamang salita? Hay naku, nasa huli ang pagsisisi, isip-isip naman pag may time!”

Kahapon, may nabasa na naman kaming mensahe ni Gretchen sa kanyang Instagram account, ito’y may kinalaman na naman kay Mrs. Inday Barretto.

Isang follower kasi ng aktres sa Instagram ang nagkomento sa pag-aaway nila ng kanyang ina, anito, “Ay nako. Nabasa q ang mga message ni Inday sa pep. Grabe naman xa, makatawag sya ng Devil sa anak nya prang di xa ang nagluwal sayo.

Naiintindihan q si Ms. Gretch. Napakasakit ng mga binibitiwan ng sarili mong ina sayo.” Hirit pa nito, “Tama ba naman na, dungisan ang sa-riling anak para lang mapagtakpan ang baho nya. Grabe tlaga. Be strong ms. Gretchen.”

At ito naman ang maikli ngunit maanghang na sagot ni Greta, “She has to discredit me to conceal all her wrongdoings. May kasabihan na Ang kakambal ng sinungaling, magnanakaw.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending