Bianca Manalo, Win Gatchalian hindi naghiwalay, nag-date sa Canada

Bianca Manalo, Win Gatchalian hindi naghiwalay, nag-date sa Canada

Win Gatchalian at Bianca Manalo

MULING ibinandera ni Sen. Sherwin Gatchalian sa buong mundo ang pagmamahal niya sa kanyang girlfriend na si Bianca Manalo.

Matapos masangkot sa kontrobersiya, ipinagsigawan uli ng senador sa pamamagitan ng social media na maayos na maayos pa rin ang relasyon nila ng aktres at dating beauty queen.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sen. Win ang latest photo nila ni Bianca together na kuha sa Vancouver, Canada na may caption na, “Reunited and it feels so good.”

Baka Bet Mo: Win Gatchalian sa bashers nila ni Bianca: ‘Cheers to the negas at Marites!’

Siguradong nais lamang ng senador na patunayan sa buong universe na wala talagang katotohanan ang chikang may namamagitan kina Bianca at sa co-star nito sa seryeng “Magandang Dilag” na si Rob Gomez.


Ito’y matapos kumalat sa social media ang umano’y private conversation ng former beauty queen at ng Kapuso actor na tila may secret affair dahil sa naging takbo ng kanilang usapan.

Nauna nang nilinaw nina Bianca at Sherwin ang tungkol sa kontrobersya at nanindigang okay na okay ang kanilang relasyon at biktima lamang sila ng malilisyosong intriga.

Baka Bet Mo: Herlene Budol proud ‘Binibini’ kahit walang naiuwing korona at titulo: Naitaas ko ang respeto sa mga comedian

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family,” aniya pa.

Nito namang nagdaang araw, nagbahagi si Sen. Win sa IG ng mga litrato nila ni Bianca na may mensaheng, “No fake news will divide us apart” and “To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you – I will always be by your side.”

Ayon sa isang ulat, talagang nagtungo si Bianca sa Canada para doon magbakasyon doon ng ilang araw kasama ang pamilya ni Sen. Win.

Pagkatapos nito, sabay na silang lilipad patungong Las Vegas, Nevada para doon salubungin ang New Year with their respective families.

Read more...