COCO handa na sa JUAN dela CRUZ the movie | Bandera

COCO handa na sa JUAN dela CRUZ the movie

Ervin Santiago - October 29, 2013 - 03:00 AM


Para sa lahat ng sumusuporta kay Coco Martin na hindi pa rin maka-move on sa pagtatapos ng Juan dela Cruz sa ABS-CBN, huwag na raw kayong malungkot dahil posibleng matuloy na ang pagsasapelikula nito next year.

Ayon mismo kay Coco, umaasa siya na mapagbibigyan nila ang lahat ng fans ni Juan dela Cruz na mapanood siya sa big screen. Actually, bago ito maging teleserye, originally ay para sana ito sa Metro Manila Film Festival, pero dahil sa ginawang pag-aaral ng Dreamscape Entertainment, inuna muna nilang gawin ito sa TV.

“Baka next year. Actually, matagal nang napag-usapan ‘yan pero ang original nga namin talaga, pelikula muna bago soap opera. Pero nagkabaligtad, soap opera muna bago gawing movie.

Sana matuloy next year,” sey ni Coco sa isang interview. Inamin naman ng binata na napakahirap gawin ng Juan de la Cruz, “Akala ko nu’ng una gagawa lang ako ng pambata.

Mas mabigat pala dahil halu-halo—drama, action, fantasy, love story, may comedy. Isang napakalaking challenge sa akin na proyekto.

“Sabi ko nga, dahil sa Juan dela Cruz, masarap ang pakiramdam namin kasi marami kaming natulungan, lalo na yung mga kabataan na humihingi sa amin ng tulong, lalo na sa kanilang pag-aaral,” sey pa ng Primetime Drama King ng Dos.

Ngayong nabawasan na ng trabaho kahit paano si Coco, mabibigyan na raw niya ng time ang kanyang pamilya. Pero aniya, dito lang daw sila sa Pilipinas magba-bonding at hindi sa ibang bansa.

Wala palang hilig mag-out-of-the-country si Coco, “November saka December wala pa akong gagawin, baka next year na ako gumawa ng soap opera. Ang pinaplano ko sana, makagawa ako ng pelikula habang nagpapahinga.

“Hindi ako mahilig lumabas kasi, siguro sa bahay lang talaga para makabawi sa pamilya ko,” sey pa ng aktor.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending