MISS na miss na ng actor-comedian na si Janno Gibbs ang namayapa niyang ama at veteran actor na si Ronaldo Valdez.
‘Yan ay ibinandera niya mismo sa magkasunod niyang post sa social media makalipas ang mahigit isang linggo nang pumanaw ang ama.
“As the Sun sets,the Son rises. Caught in the middle of Holding on and Letting go. Miss you Papa [heartbroken emoji],” caption ni Janno sa kanyang recent Instagram post kalakip ang kanyang video.
Baka Bet Mo: Pelikula ng mag-amang Janno, Ronaldo ipapalabas pa rin kaya sa Enero?
May post din siya ng throwback video nilang mag-ama habang nagtatanghal sa isang mall sa harap ng maraming audience.
Ang kinakanta nilang dalawa ay ang “Moon River” na orihinal na kinanta ng British actress na si Audrey Hepburn sa 1961 movie na “Breakfast at Tiffany’s.”
“MoonRiver w/ Papa [heartbroken emoji],” wika niya sa post.
Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez super touched sa pa-tribute ni Kathryn Bernardo: Pinaiyak mo ko, kainis ka!’
Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang suporta at pakikiramay sa aktor.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“You’ve got this, idol! I know you’re strong enough to overcome any challenge that comes your way.”
“We are with you sir Janno [crying face emojis]”
“Hang in there, @jannolategibbs. May your dad’s soul be guided safely to heaven [folded hands emoji].”
“Prayers to you and your whole family sir Janno [single tear emoji] may lolo sir be at peace [folded hands emoji]”
December 17 nang mabalita ang pagkamatay ng beteranong aktor, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
Ito naman ay kinumpirma mismo ni Janno kinabukasan sa pamamagitan ng Instagram post.
Ilan sa mga proyektong ginawa ni Ronaldo na tumatak sa sambayanang Pilipino ay ang mga pelikulang “Cedie”, “The Flor Contemplacion Story”, “Seven Sundays” at marami pang iba.
Napanood din siya sa mga teleseryeng “Mula Sa Puso”, “FPJ’s Ang Probinsyano,” “I Love Betty La Fea” at ang hit digital series na “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.