TOTOONG inatake ng hiya ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa mga unang araw ng shooting nila ni Xian Lim para sa seryeng “Love. Die. Repeat.”
Ito ang magiging comeback project ni Jennylyn makalipas ang mahabang panahong pamamahinga sa paggawa ng teleserye mula noong isilang niya ang anak nila ni Dennis Trillo na si Dylan Jade.
Ayon kay Jennylyn, thankful siya na si Xian ang naging leading man niya sa bago niyang serye na mapapanood na simula sa January 15, 2024 sa GMA Telebabad.
Aniya, talagang nagkakahiyaan pa sila ng ex-boyfriend ni Kim Chiu sa unang pagsalang nila sa mga camera pero ang aktor daw ang gumawa ng paraan para maging comfortable sila sa isa’t isa lalo na sa mga intimate scenes.
Baka Bet Mo: Jennylyn hindi tatanggalin sa ‘Love Die Repeat’ ng GMA, Xian bibigyan ng bagong leading lady
“‘Yung chemistry, parang ‘di naman kami nag-effort, ‘yung sobrang effort. Kasi na-appreciate ko din si Xian sa ganu’n, kasi nag-e-exert siya ng extra para makipagkuwentuhan. ‘Yung mga ganu’ng simpleng bagay, kasi ako nahihiya,” ani Jennylyn sa panayam ng GMA Network.
Dagdag pa niya, “‘Di naman ako makikipag-close nang ganu’n pero na-appreciate ko ‘yung ganu’n kasi mahiyain din ako sa personal.
“So na-appreciate ko ‘yung small talks, nakikipag-bond so mas madali para sa akin na mag-communicate, umarte, hindi ako masyadong nahihiya,” lahad pa ng wifey ni Dennis sa naturang interview.
Hirit naman ni Xian, “no choice” daw ang aktres na makipag-close sa kanya dahil nga kailangan nila ng effective na motivation para mas maging makatotohanan ang pagganap nila bilang mag-asawa sa “Love. Die. Repeat.”
Baka Bet Mo: True ba, Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey 3 lang ang inimbitang bisita sa kanilang beach wedding, anyare?!
“Para sa akin kasi hindi small talk ‘yun. No, I think also we started this show, kasi before Direk Jerry (Sineneng) came in, it was Direk Irene (Villamor), and she started us off with intimate scenes.
“‘Yung mga magkayakap na agad, as husband and wife, natutulog together, and nag-uusap ng mga problema ng mga mag-asawa. So I think that also helped, aside from our mini kuwentuhan ni Jen, sinabak kami agad sa mga intimate scenes,” aniya pa.
Nitong mga huling projects naman ni Xian ay puro mature roles na ang ginagampanan niya, kabilang na ang unang seryeng ginawa niya sa GMA 7, ang “False Positive” kung saan gumanap naman siyang asawa ni Glaiza De Castro.
In fairness, nae- enjoy naman daw niya ang mga mature roles, “Of course. Lahat naman, it’s always different. Ang sarap lang to tackle any challenge that may come along with it.”
Iikot ang kuwento ng “Love. Die. Repeat.” sa buhay ni Angela (Jennylyn) na namatayan ng asawa, si Bernard (Xian) matapos maaksidente after celebrating their first wedding anniversary.
Matapos ang trahedya, makakaramdam si Angela ng deja vu hanggang sa malaman niyang naipit siya sa isang time loop kung kailan namatay ang kanyang asawa.
“Iba ‘yung concept niya. Unique siya in a way na hindi pa ginagawa ito sa isang series or soap opera dito sa Pilipinas. Paano na-incorporate yung time loop, panoorin nila! Hindi naman pwedeng i-reveal dito, baka ma-preempt,” ani Jen.
Sey naman ni Xian, “And I think ano rin, ‘yun nga sabi ni Jen, unique. I also said we’re extraordinary dahil it tackles relationship problems. It also has that magical element ng time loop so it’s really something to look forward to.”
Makakasama rin sa “Love. Die. Repeat.” sina Mike Tan, Valerie Concepcion, Valeen Montenegro, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, at Victor Anastacio, mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.