Jennylyn hindi tatanggalin sa ‘Love Die Repeat’ ng GMA, Xian bibigyan ng bagong leading lady
Xian Lim at Jennylyn Mercado
BALITANG hindi na papalitan si Jennylyn Mercado sa Kapuso series na “Love. Die. Repeat.” matapos matigil ang lock-in taping nito kamakailan.
Nagkaroon daw kasi ng “medical emergency” ang Kapuso Ultimate Star kaya kinailangan nitong magpakonsulta agad sa doktor. Kaya ang ending, nagdesisyon ang production na ihinto muna ang taping.
Nagsimula ang lock-in taping ng limited series ni Jennylyn at ni Xian Lim kamakailan at nagtapos na sana nitong Oct. 2 ngunit nagkaaberya nga dahil sa nangyari sa aktres.
Pinagpapahinga raw ng doktor ang girlfriend ni Dennis Trillo para mas mabilis maka-recover. Wala namang nababanggit ang aktres tungkol sa kanyang health condition sa mga previous post niya sa Facebook at Instagram.
May mga naglabasan pang chika na baka raw buntis na ang aktres kaya bigla itong na-emergency. Pero walang kumpirmasyon o pagdedenay mula sa kampo ni Jen.
Last Sept. 27, nag-post si Jennylyn sa FB ng dalawang litrato nila ni Xian sa set ng kanilang serye na may caption na, “Sometimes things get complicated.”
Hindi pa rin naglalabas ng official statement ang GMA 7 tungkol dito pero nagbigay na ng pahayag ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila hinggil sa kundisyon ni Jen.
“First of all, we would like to express our gratitude to everyone who showed their concern over our artist, Jennylyn Mercado.
“We would like to assure the public that she is in good condition and in good health.
“On behalf of Jennylyn, we would like to thank GMA, her Love Die Repeat co-stars as well as the whole production group for their understanding and support.
“Thank you.
“Becky Aguila Artist Management.”
Ni-repost naman ni Jennylyn sa kanyang Facebook page ang statement ng talent manager na may caption na, “Maraming salamat sa inyong lahat.”
Ayon sa ulat, baka raw next year na ipagpapatuloy ang taping ng “Love. Die. Repeat.” pero si Jen pa rin ang bida. Nangako umano ang GMA na hihintayin nila ang availability ng aktres.
Dahil dito, bibigyan na lang daw muna si Xian ng ibang project at bagong leading lady habang nakatengga pa ang kanilang proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.