KAHIT marami nang napatunayan bilang aktres, hindi pa rin pumapasok sa ulo ni Alessandra de Rossi na may malaking pangalan na siya sa mundo ng showbiz.
Para kay Alex (palayaw ng aktres), ayaw niyang isipin na sikat na siya at nakagawa na ng sarili niyang marka sa entertainment industry.
“Never akong nag-pray for anything that I have right now. Kaya nga nasa-shock pa rin ako kapag may mga dumarating tapos lahat, ‘Alex, celebrated ka rin!’ ‘Ah talaga ba?’ Ganoon ako,” ang pahayag ni Alessandra sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
Dagdag pa ng lead actress sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Firefly”, “Hindi ko siya napi-feel na malaki na pala siya (pangalan niya).”
Baka Bet Mo: 10 entry sa MMFF 2023 ipalalabas din sa Hollywood, magkakaroon ng sariling awards night at red carpet
Naibahagi pa ng award-winning actress ang naging conversation nila ng kanyang leading man at kaibigan na si Piolo Pascual, noong gawin nila ang pelikulang “My Amanda” taong 2021.
“Sabi niya, ‘Nai-imagine mo ba ever na magiging ganyan ang buhay mo, ayon sa lahat ng choices mo?’
“Kasi alam niya na it was hard for me dahil marami akong mga, alam mo ‘yun, tawag nila ‘arte.’ Ang tawag ko eh, ‘yun lang ang gusto kong gawin,” aniya pa.
Rebelasyon pa ni Alex, na-experience rin niya ang ma-reject noong una siyang mag-audition sa GMA 7.
“Tinanong ako kung bakit gusto kong mag-artista. Ang naaalala kong isinagot ko, ‘Hindi ko alam,'” pag-amin ng aktres kasabay ng pag-alala sa mga challenges na pinagdaanan niya noong mga unang taon niya bilang artista.
Looking forward naman si Alessandra na matupad very soon ang pangarap niyang maging direktor.
Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi sa netizen na nagsabing ‘pinakapangit’ ang movie niya kasama si JM de Guzman: Patawarin mo ako?
“Gusto kong pumunta sa behind the camera. Lalo na minsan kapag nakikita ko ‘yung mukha ko, ‘Talaga ba ‘yan na ‘yung hitsura ko sa camera?’ The camera is so unforgiving.
“Papunta sa likod, ‘yung walang pressure to, ‘yung celebrity, napapagod ako sa pagiging celebrity,” chika pa ni Alex.
Sundot na tanong ni Tito Boy sa kanya, “Ang laki-laki mong pangalan para sa amin. Do you realize that?”
“Hindi. I’m just one of them,” ang sagot ni Alessandra na napapanood ngayon sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Firefly” na nagwaging Best Picture sa katatapos lang na Gabi ng Parangal.