Cristine Reyes sa anak: Ikaw ang pinakamahalagang regalo tuwing Pasko

Cristine Reyes sa anak: Ikaw ang pinakamahalagang regalo tuwing Pasko

PHOTO: Instagram/@cristinereyes

IBINANDERA ng actress-model na si Cristine Reyes ang kanyang pagmamahal sa anak na si Amarah.

Sa Instagram, makikita ang ilang masasayang moments ng mag-ina kasama ang kanilang pamilya habang ipinagdiriwang ang Pasko.

Kalakip niyan ang sweet message ni Cristine para sa one and only daughter.

Sey niya, “Ikaw ang pinakamahalagang regalo tuwing pasko para sa akin.”

“Mahal na mahal kita Amarah [red heart emoji],” mensahe pa niya.

Baka Bet Mo: Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

Sa comment section, marami ang bumati sa mag-ina at gandang-ganda kay Amarah.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Merry Christmas to you and your beautiful Amarah [red heart emojis].”

“Amarah is the best part of you AA [blowing kiss emoji] Blessed Christmas to both of you [Christmas tree emoji].”

“Grabeee super pretty Amarah [kiss emoji]”

“Amarah is so pretty like you [emojis]”

“Pretty Amarah [happy face with heart eyes emoji]”

Baka Bet Mo: Cristine Reyes, Ali Khatibi magkasamang um-attend sa school event ng anak

Kung matatandaan, taong 2015 nang isinilang ni Cristine ang anak nila ng dating mister na si Ali Khatibi.

Taong 2018 naman nang unang lumabas ang chikang hiwalay na sina Cristine at Ali matapos ang dalawang taon buhat nang magkaroon sila ng civil wedding sa Balesin noong 2016.

March 2019 nang aminin ng aktres sa interview niya kay Karen Davila na may pinagdadaanan silang mag-asawa, subalit hindi na niya idinetalye kung bakit sila naghiwalay.

Sa ngayon ay civil ang relasyon ng dating mag-asawa kung saan maayos rin ang kanilang co-parenting set up sa anak.

Samantala, masayang-masaya sa current partner ang aktres sa piling ng aktor na si Marco Gumabao.

Sa katunayan nga, naunang ibinunyag ni Marco na magse-celebrate siya ng Pasko kasama si Cristine.

“Sasama ako kay Cristine sa Baguio with her family naman after Christmas and for Christmas family [ko ang kasama],” sey niya sa isang panayam.

Magugunita noong Abril nang maging Instagram official ang celebrity couple.

Pero bago ‘yan ay matagal nang nababalita na magkarelasyon na sina Cristine at Marco dahil ilang beses na silang nakitang magkasama sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila.

Read more...