Sharon nakakaloka ang mga hugot sa ‘cheating’, may inamin tungkol kay Kiko

Sharon nakakaloka ang mga hugot sa 'cheating', may inamin tungkol kay Kiko

Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

SUNUD-SUNOD ang mga nakakalokang hugot post ni Megastar Sharon Cuneta sa social media na may konek sa isyu ng “cheating“.

Nu’ng una, inakala ng kanyang mga fans at supporters na para ito sa kanyang asawang si former Sen. Kiko Pangilinan dahil nga may kumakalat na tsismis na nagkakalabuan na raw ang celebrity couple.

Ngunit mukhang ibang tao ang tinutukoy ng actress-singer at TV host sa kanyang mga Instagram post dahil agad din siyang nagbahagi ng madamdaming mensahe para kay Kiko after Christmas Day.


Sa unang IG post ni Mega, makikita ang isang quote card mula sa author at filmmaker na si Brigitte Nicole tungkol ma may kaugnayan sa “relationship.”

“I don’t want a perfect relationship. I want someone I can trust and who won’t be cheating on me physically or emotionally.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Piolo Pascual may konek sa isa’t isa: Sinabihan siya ng Dad ko na, ‘Oh, inaanak mo ‘yung anak ko, ha!’

“Everyone needs someone who loves them completely and who won’t play games with their heart.

“Last but not least, I’m a strong believer that when it comes to relationships, remaining faithful is not an option but a priority. Loyalty means the world,” ang nakasaad sa quote card.

Sa isa pa niyang IG post, inamin ni Shawie na hindi rin perfect ang pagsasama nila ni Kiko bilang mag-asawa.

“Kiko @kiko.pangilinan and I are not perfect. We may be going in different directions, disagreeing about the future … but all these qualities, he has.

“I married a good and honest man. Thank you, neybor. Love you always, and thank you too for being a great Dad to our kids,” ang message ni Mega sa kanyang hubby.


Sinagot naman ito ng dating senador, “I love you too. Love thy neighbor …@reallysharoncuneta.”

May tatlong anak ang mag-asawang Sharon at Kiko — sina Frankie, Miel at Miguel.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes may patutsada sa mga taong ‘banal na aso, santong kabayo’; may konek pa rin ba kay Ricci Rivero?

Iba’t iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa mga hugot post ni Sharon socmed, may nakisimpatya at sumang-ayon sa kanya at meron ding nabwisit at na-turn off. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Christmas na Christmas mga ganito pa rin hugot mo, Mega – nakaka sad. Ilang days na your posts about Past. absolutely this is your account and you have the freedom to post kaya lang nakakasawa na rin . Yung super saya kami sa Dear Heart then bumaba yung momentum. I don’t feel good for you akala namin ok na kau.”

“Ganun tlaga pag pasko nag rereminisce tayo. pero sana hanggang ganun nalang. dont be sad. enjoy and live the moment. its xmas , patawad nalang at spread love.”

“Ilabas mo lang Ms Sha. You’re free to express your feelings.para makahinga ka.hayaan mo mga bashers na yan. Wala silang ambag sa buhay mo.”

Read more...