Sharon kay Luis: ‘Nangingilabot ako sa kapal ng mukha mo…bastos ka!’

Sharon kay Luis: 'Nangingilabot ako sa kapal ng mukha mo...bastos ka!'

Luis Manzano at Sharon Cuneta

LAUGH nang laugh si Megastar Sharon Cuneta habang “nakikipagbardagulan” sa TV host-comedian na si Luis Manzano.

Napanood namin ang interview ni Luis kay Mega sa kanyang YouTube channel at nakakaloka naman talaga ang mga hirit ng asawa ni Jessy Mendiola sa naturang vlog.

First time mag-guest ni Sharon sa “Luis Listens” at kitang-kita naman kung gaano siya nag-enjoy at humalakhak nang bonggang-bongga sa pakikipagchikahan sa TV host.


Isa sa napag-usapan nila ay ang nanay ni Luis, ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Simulang hirit ni Luis, “smSina-sacrifice ko ang sarili ko, Mommy Mega para magkaroon ng career si Mommy (Vilma). Kasi naniniwala ako, may potensyal siya sa industriya.

Baka Bet Mo: Netizens ‘rambulan’ dahil lang sa pagsabay ni Julie Anne sa nag-audition sa The Voice Generations: ‘Ginawa rin naman yan ni Sarah G, ‘no!’

“Hindi lang siya nabibigyan ng tamang pagkakataon. Pero kumbaga, naniniwala ako na meron,” ang biro ni Luis na seryosong-seryoso ang mukha.

Tawa naman nang tawa si Sharon sa mga hirit ni Luis kaya ang resbak sa kanya nito ay, “Nangingilabot ako sa kapal ng mukha mo. Ha-hahahaha!”

“Si Vilma Santos, ‘yung adoration ko sa Mama mo, tapos ginaganyan mo lang. Bastos ka!” ang hirit pa ni Mega kay Luis habang laugh pa rin nang laugh.

“Huwag mong ginaganu’n si Ate Vi, nahe-hurt ako,” sey pa ng Megastar.

Hirit naman ni Luis, “Oy, be proud kay mommy ha, 2024 si Mommy is part of ‘Goin’ Bulilit’ na.”

“Napakasama mo!” ang humahalakhak pa ring sey ni Sharon.


Samantala, sa isang seryosong bahagi ng vlog, napag-usapan din nila ang tungkol sa mga anak ni Mega na naging kontrobersyal na naman dahil sa mga isyu tungkol sa reunion concert nila ni Gabby Concepcion.

Baka Bet Mo: Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

Ayon sa actress-singer, talagang sumama ang loob niya sa ginagawang pagkukumpara ng mga tao sa kanyang mga anak.

“What kind of a person picks on your children because they side with one child? ‘Yung away-pamilya, pamilya dapat ‘yun, you don’t pit them against each other or compare.

“Because different fathers. You cannot compare apples and oranges,” sey pa ni Sharon.

Read more...