Pokwang narindi na sa bashers: ‘Bakit pinoproblema niyo ang ‘di dapat?’

Pokwang narindi na sa bashers: ‘Bakit pinoproblema niyo ang ‘di dapat?’

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

KINUYOG ng mga katanungan sa social media ang actress-comedienne na si Pokwang matapos manalo sa deportation case laban sa estranged partner na si Lee O’Brian.

Isa na riyan ang isang netizen na hoping na hihingi ng tawad ang dating ka-live in partner ni Pokwang.

Sey niya sa X (dating Twitter), “Pokwang, congratulations. Hope sir Lee could find the heart to say sorry.”

Sumagot naman sa kanya ang komedyana at sinabing, “Malabo; kahit kay God hindi magso-sorry yan kasi hindi naituro ng [magulang] niya ang word na ‘yan.”

Baka Bet Mo: Pokwang kung bakit na-’trigger’ ipa-deport si Lee O’Brian: Hindi siya marunong magpakumbaba!

May isang X user naman na pinagsabihan ang aktres na dapat iniisip daw nito ang anak nila na si Malia.

“Sana inisip mo anak mo. Pano pa niya mayayakap papa niya?” saad ng netizen.

Ang reply sa kanya ni Pokwang, “Sana inisip din niya ‘yan bago siya nanggamit ng kapwa mo Pinoy.” 

“Sana inisip din niya na ako lang bumuhay sa bata. Sana inisip din niya ‘yan bago siya nagpapalit-palit ng mga kasamang babae at walang sustento!” dagdag pa niya.

Usisa naman ng isa pang nagkomento, “What will happen to their kid?”

Sinagot din ‘yan ni Pokwang at mararamdaman sa kanyang reply na tila nanggigigil na siya dahil sa sobrang daming nakikialam sa ginagawa niya sa buhay, at para sa anak.

Baka Bet Mo: Payo ni Bea Alonzo sa lahat ng may pinagdaraanan: Just have faith!

“Bakit niyo pinoproblema mga bagay na di niyo naman dapat pakialaman?” sey ng komedyana.

Paliwanag niya, “Kahit noong nagsasama kami, ako na bumubuhay sa kanya at sa anak namin. So ano silbi niya?”

Noong December 23 nang pinaningan ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na mapa-deport ang kanyang dating partner.

Base sa walong pahinang resolusyon na inilabas noong December 12, inuutusan ng BI na mapa-deport si Lee dahil sa naging paglabag nito sa mga alituntunin at kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.

Ayon sa complaint na inihain ni Pokwang, ang nire-renew ni Lee ay ang kanyang tourist visa kahit na ang dahilan ng pananatili niya sa bansa ay ang pagtatrabaho.

At matapos ngang mailabas ang nasabing desisyon sa publiko ay nangako si Pokwang na siya’y magiging mabuting ina at ama kay Malia.

“Nagpapasalamat ako una sa Panginoon dahil pinakinggan niya ang aking mga dasal na magkaroon ng hustisya ang nangyari sa akin at sa aking anak,” pahayag niya.

Aniya pa, “Lalo pa akong magsisikap sa araw-araw para maitaguyod ko ang aking pamilya.”

Read more...