PINANIGAN ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na si Pokwang na mapa-deport ang kanyang dating partner na si Lee O’ Brian.
Base sa walong pahinang resolusyon na inilabas noong December 12, inuutusan ng Bureau of Immigration na mapa-deport si Lee dahil sa naging paglabag nito sa mga alituntunin at kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.
Ayon sa complaint na inihain ni Pokwang, ang nire-renew ni Lee ay ang kanyang tourist visa kahit na ang dahilan ng pananatili niya sa bansa ay ang pagtatrabaho.
Naglabas naman ng pahayag ang legal counsel ng Kapuso star na si Atty. Rafael Calinisan ngayong Sabado, December 23.
“We thank the Bureau of Immigration for siding with the truth in our case against Lee O’Brian,” pagbabahagi ng legal counsel ni Pokwang.
Dagdag pa niya, “We have been consistent that Lee O’Brian must be made accountable, as his repeated renewal of his tourist visa constitutes fraud and willful misrepresentation of facts, while his work engagements are violations of limitations under which he was admitted as a non-immigrant.”
Maliban sa pagkakakansela ng visa ni Lee, hindi na rin makababalik pa sa bansa ang ex-partner ni Pokwang matapos idagdag ang pangalan nito sa black list ng BI.
Matatandaang kamakailan lang nang tuluyan nang pumayag ang Kapuso actress-comedienne na muling makita at makasama ni Lee ang kanilang anak na si Malia.
Pagbabahagi ni Pokwang, hangad lamang niya ang bagay na makapagbibigay kasiyahan sa kanyang bunsong anak.
“Nakakadalaw naman siya, napapasyal niya yung bata
“Ako, naghihintay lang ako kung kailan niya ulit gusto. Kasi importante sa akin yung happiness ng anak ko,” sey ni Pokwang.