Albania kinoronahang Miss Earth 2023, Miss Earth-Air naman ang Pilipinas

Drita Ziri ng Albania kinoronahang Miss Earth 2023

PHOTO: Instagram/@missearth

MAY bago nang eco warrior ang Miss Earth para sa taong 2023.

Siya’y walang iba kundi si Drita Ziri na pambato ng Albania!

Tinalo ni Drita ang 84 na mga naggagandahang kandidata mula sa iba’t-ibang bansa na naganap sa Van Phuc City sa Vietnam noong December 22.

Kinoronahan siya ng last year winner na si Mina Sue Choi from South Korea.

Bilang Miss Earth, siya ay magsisilbing ambassador ng environmental protection, at nakatakdang pangunahan ang mga proyekto na tumutulong sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa sustainability at eco-consciousness. 

Baka Bet Mo: Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Bukod kay Drita, kinoronahan din ang pambato ng Pilipinas na si Yllana Marie Aduana bilang Miss Earth-Air, ang kinilalang Miss Earth-Water ay si Do Thi Lan Ahn from Vietnam, at Miss Earth-Fire naman si Cora Bliault ng Thailand.

Para sa kaalaman ng marami, nagwagi si Yllana bilang Miss Philippines Earth matapos ang ikalawang pagtangka sa national pageant na ginanap sa Toledo City, Cebu noong Abril.

Una siyang nag-compete noong 2021 kung saan nagtapos siyang bilang runner-up.

Hindi lang Miss Earth pageants ang sinalihan ng beauty queen dahil nanalo din siyang FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines in 2021, at nagging Top 12 sa 2022 Binibining Pilipinas pageant.

Samantala, ito ang ikalawang pagkakataon na naging host ang Vietnam para sa nasabing international competition.

Apat na Pinay na ang nakakuha na ng titulong Miss Earth, sila ay sina Karla Henry (2008), Jamie Herrell (2014), Angelia Ong (2015), at Karen Ibasco (2017).

Read more...