Kaila Estrada na-scam, nagbabala sa madlang pipol

Kaila Estrada na-scam, nagbabala sa madlang pipol

Kaila Estrada

IBINAHAGI ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada na nabiktima siya ng scam kamakailan.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, inamin niya na nabiktima siya ng isang scammer nitong Martes, December 19.

“I just got scammed,” lahad ni Kaila.

Nagbabala rin ang dalaga sa madlang pipol na mag-ingat sa mga nakakausap.

“Speople out there can be very convincing these days so don’t answer calls from unknown numbers. Stay safe guys!” babala pa ni Kaila.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens na tulad niya ay nabiktima rin ng scam.

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi pa handang makatrabaho sina Janice de Belen at John Estrada: Nahihiya akong magkamali

“Totoo po [sad emoji] I got scammed few days ago kasi sobrang convincing talaga. Trust issue ko malala na talaga,” saad ng netizen.

Reply naman ni Kaila, “I’m so sorry that happened to you too.”

Comment naman ng isa, “one of the reason i never answer any unknown number already cause i got phished almost a year ago and lost around 80k.. literally all my savings.”

Baka Bet Mo: Kaila Estrada sa paghihiwalay ng mga magulang noon: Everything worked out for the best

“Super dami ngang tumatawag nagstart nitong Dec. Never kong sinagot kasi ayokong may kinakausap. Mag-ingat!” sey naman ng isa.

Wala nang iba pang detalye na ibinahagi ang aktres kung ano ba ang nakuha sa kanya ng scammer.

Si Kaila ay isa sa mga anak nina Janice de Belen at John Estrada.

Bukod pa rito, nakilala ang dalaga sa mahusay nitong pagganap bilang Sylvia Lualhato sa hit series na “Linlang”.

Sa ngayon ay napapanood ito sa Kapamilya teleserye na “Can’t Buy Me Love” bilang si Bettina Tiu na kapatid ni Belle Mariano na gumaganap naman bilang si Caroline Tiu.

Read more...