Talent manager napamura sa pambabastos kay Ronaldo Valdez: Magtutuos tayo!

Talent manager napamura sa pambabastos kay Ronaldo Valdez: Magtutuos tayo!

Jámela Santos at Ronaldo Valdez

NAGBANTA ang talent manager na si Jamela Santos laban sa mga nagpakalat ng sensitibong video ng yumaong veteran actor na si Ronaldo Valdez.

Hindi napigilan ni Jamela ang kanyang galit kaya naman talagang napamura siya matapos malaman na pinagpipiyestahan na sa social media ang video ng namayapang aktor.

Mapapanood dito ang ginawang pagresponde ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa tahanan ni Ronaldo kung saan siya natagpuang wala nang buhay at may hawak na baril sa isa niyang kamay.


Makikita rin sa video ang pag-transfer ng katawan ni Ronaldo sa stretcher hanggang sa ibaba at na siya ng bahay.

Baka Bet Mo: Ilang celebs na nakiramay, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Hindi malinaw kung saan nagmula ang naturang video at kung paano ito nakunan ngunit marami ang nagkomento na baka raw may nakapag-video kay Ronaldo habang iniimbestigahan ng mga operatiba ng QCPD.

Ayon sa talent manager ng beteranong aktor, hindi niya palalampasin ang ginawang pambabastos at kawalang respeto sa kanyang talent.

“Mga p**** ina nyong bumastos sa legacy ni Ronaldo Valdez. Mga hayuuuuup kayo!!!! Magtutuos tayo pagkatapos ko magluksa,” ang galit na galit na sabi ni Jamela sa kanyang Facebook post.


Dagdag pa niya, “Why people can be soooo cruel!!!! I can’t believe it!!!! Ano para maka scoop kayo????

“Para mag trending kayo????!!! How can you be soooo low! Mga walang respeto!!! A GOOD and a brilliant man like him doesn’t deserve this!!!!

Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez super touched sa pa-tribute ni Kathryn Bernardo: Pinaiyak mo ko, kainis ka!’

“Babalik senyo lahat ng ginawa nyo!!! It’s just a matter of time,” aniya pa na masamang-masama ang loob sa nangyari.

Ipinost din niya ito sa kanyang Instagram account kasabay ng panawagan na tulungan siyang ipa-mass report ang mga socmed pages na naglabas ng naturang video.

Humingi na rin siya ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI), “Do we have someone from NBI that can help???? Please mass report it.”

Nakaburol ngayon ang cremated remains ng veteran actor sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels & Crematorium sa Guadalupe, Makati City.

Ang mga unang bumisita sa unang gabi ng lamay para sa labi ni Ronaldo ay sina Gelli de Belen, Anjo Yllana at Kathryn Bernardo na ilan sa malalapit na kaibigan ng pamilya Gibbs.

Read more...