Video ni Ronaldo Valdez kumalat sa socmed

Video ni Ronaldo Valdez kumalat sa socmed, pakiusap ni Janno Gibbs wa epek

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 04:27 PM

Video ni Ronaldo Valdez kumalat sa socmed, pakiusap ni Janno Gibbs wa epek

Ronaldo Valdez

DINEDMA ng ilang netizens ang pakiusap ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Ronaldo Valdez na bigyan muna sila ng privacy habang nagluluksa.

Inunahan na ng anak ng premyadong aktor na si Janno Gibbs ang publiko sa kanyang pakiusap na hayaan muna silang magdalamhati sa isa sa pinakamasakit at pinakamalungkot na bahagi ng kanilang buhay.

“The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment,” ang bahagi ng pahayag ni Janno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero marami ngang tagasuporta ni Ronaldo ang nadismaya at na-offend sa kumakalat na video sa social media na may kaugnayan sa pagkamatay ng veteran actor.

Mapapanood sa video ang pagresponde ng mga otoridad sa bahay ni Ronaldo kung saan makikita ang aktor na nakaupo sa silya na nasa tabi ng kanyang kama.

Baka Bet Mo: Vhong dinedma lang ng kaibigang hiningan ng tulong; Billy malungkot na malungkot dahil sa sinapit ng kaibigan

Duguan ang katawan ng aktor na may hawak pang baril (kanang kamay). Makikita rin sa video ang pag-transfer ng katawan ni Ronaldo sa stretcher hanggang sa ibaba at na siya ng bahay.

Hindi malinaw kung saan nagmula ang naturang video at kung paano ito nakunan ngunit marami ang nagkomento na baka raw may nakapag-video kay Ronaldo habang iniimbestigahan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod pa ito sa mga taong nag-post sa social media na hindi naman mga kapamilya pero nagdetalye talaga tungkol sa pagkamatay ni Robaldo noong Linggo, December 17.

Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo

Kasunod nito, nanawagan nga ang mga taong malalapit kay Ronaldo na huwag nang i-share ang nag-leak ng video bilang pagrespeto sa namayapang aktor at sa nagluluksa niyang pamilya.

Nakaburol ngayon ang cremated remains ng veteran actor sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels & Crematorium sa Guadalupe, Makati City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga unang bumisita sa unang gabi ng lamay para sa labi ni Ronaldo ay sina Gelli de Belen, Anjo Yllana at Kathryn Bernardo na ilan sa malalapit na kaibigan ng pamilya Gibbs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending