Alden ready nang gawin ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nila ni Kathryn: ‘Anytime!’

Alden ready nang gawin ang part 2 ng 'Hello, Love, Goodbye' nila ni Kathryn: 'Anytime!'

Kathryn Bernardo, Alden Richards

GAME na game ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na gawin ang part 2 ng blockbuster movie nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa katunayan, handang ipa-cancel ng Kapuso leading man at award-winning actor ang ilan sa mga proyektong nakatakda niyang gawin next year para lamang sa sequel ng makasaysayang pelikula nila ni Kathryn.

Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng entertainment media si Alden sa kanyang pa-thanksgiving at Christmas party with the press kaninang tanghali sa Stardust Bar sa Jupiter, Makati City.

Dito nga siya natanong tungkol sa request ng mga fans nila ni Kath na sana’y gawin na ng Star Cinema ang part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” na itinuturing na highest grossing Filipino film of all time sa Philippine cinema.

Ipinalabas ang naturang movie noong 2019 na kumita ng mahigit P881 million na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana.

“Ako po…of course ‘Hello, Love, Goodbye’ naman po made history and yun naman rin po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2.

“Ako po, ready naman ako anytime and yun din naman ang sinabi ko kay Direk Cathy. Sabi ko, ‘Direk kapag gumawa kayo ng part 2 ikaka-cancel ko muna lahat ng schedule ko,” paniniguro ni Alden.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla insecure, selos na selos daw kay Alden Richards?

“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman yung producer and they own the rights of the movie,” aniya pa.

Natanong din si Alden kung may possibility pa na magsama sila ng dati niyang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa isang bonggang project.

“Parang si Maine po kasi ngayon, based on how I…hindi na rin kasi kami ngayon nagkakausap nang madalas and hindi na rin kasi ako nakakapanood ng TV.

“But right now as I can see, medyo mas okay na ngayon si Maine mag-settle sa family life niya and we respect that, ako nirerespeto ko yun,” marespetong pahayag ng Kapuso star.

Binati rin daw niya si Maine nu’ng kasal nito kay Congressman Arjo Atayde, “Yes, I did, opo. Nagkataon lang po na may schedule tayo nu’n kaya hindi po tayo nakapunta. Tsaka yun din po yata yung time na nagka-landslide sa Baguio.

“Pero I wish her well, and congratulations of course sa kanila ni Arjo,” dugtong pa niya.

Samantala, wala ring pagod si Alden sa pagpo-promote ng entry nila ni Megastar Sharon Cuneta sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Family Of Two (Mother And Son Story)” under Cineko Productions.

Proud na proud ang Pambansang Bae sa pelikula nila ni Ate Shawie kaya ipinagdarasal niya na sana’y mapanood ito ng sambayanang Filipino dahil bukod sa napakaganda na ng kuwento ay punumpuno pa ito ng mga aral ng buhay.

Sigurado kaming malakas ang magiging laban ni Alden sa pagka-best actor sa darating na MMFF 2023 Gabi Ng Parangal dahil sa ipinamalas niyang akting sa “Family Of Two” na idinirek ni Nuel Naval.

Showing na ang “Family Of Two” sa mga sinehan nationwide simula sa December 25. Kasama rin sa movie sina Miles Ocampo, Pepe Herrera, Jackie Lou Blanco, Tonton Gutierrez at marami pang iba.

Read more...