SB19 Josh chinika ang paghahanda sa AAA 2023 performance: It’s crazy, super!

SB19 Josh chinika ang paghahanda sa AAA 2023 performance: It’s crazy, super!

Josh Cullen, SB19

TILA hindi makapaniwala si Josh Cullen, ang isa sa mga miyembro ng Pinoy pop powerhouse na SB19, sa mga naging karanasan nila sa Asia Artist Awards (AAA) 2023.

Magugunita na nangyari ang event sa Smart Philippine Arena sa Bulacan noong December 14.

Bukod sa Korean artists, may mga Pinoy celebrities din ang kinilala dahil sa kanilang mahusay na talento pagdating sa entertainment industry.

Siyempre, kabilang na riyan ang SB19 na nagwagi ng “AAA Hot Trend” at “AAA Best Artist” awards.

Bukod sa nakuha nila, nabigyan din sila ng oportunidad upang ma-showcase ang galing nila sa pagkanta at pagsayaw kung saan nakapag-perform pa sila on stage sa mismong event.

Tinanghal nina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin ang hit songs nila na “Mana,” “Bazinga,” “Crimzone” at ang “Gento” in collaboration with the multinational group na &Team.

“It was a big opportunity for us to show the Filipino talents all over the world and of course to the Koreans, kasi it’s mainly a Korean event. So super overwhelming,” sey ni Josh matapos tanungin sa isang press conference kamakailan lang para sa bagong release niyang single na “Get Right.”

Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Dagdag pa niya, “Masayang-masaya kami to actually got to show off siyempre, hindi naman show off. I mean, we got to show what we have siyempre.”

Kasunod niyan ay inusisa rin ng entertainment press ang naging paghahanda nila para sa seven-minute production number, pati na rin ang pagsasama nila with &Team.

“Well, it’s crazy, super,” sagot ni Josh.

Paliwanag niya, “I mean, everything siguro sa Korean production, especially with those K-Pop artists, they’re really crazy, especially the Asian Artist Awards.”

“Siguro we’ve been preparing for it at least a month already na. So we shot the dance practice a month ago, then may mga konting revisions,” kwento niya sa presscon.

Chika pa niya, “Sobrang ganda lang talaga ng discipline na parang gusto rin naming i-incorporate sa Filipinos siyempre sa mga productions natin.”

Kasabay niyan ay lubos na pinuri ni Josh ang &Team na binubuo ng mga miyembro na sina K, Nicholas, EJ, Taki, Jo, Harua, Maki, Yuma and Fuma.

“Grabe [ang] &Team, sobrang wala akong masabi,” sambit ng Pinoy pop idol.

Patuloy niya, “Besides they’re good looking, they’re tall and talented, sobrang bait nila, sobrang magalang nila sa amin at sobrang pinupuri nila kami in a way that they can. So I appreciate din.”

“Honestly, maraming beses kaming nagkwentuhan since nagpa-practice kami. Good sh*t,” ani pa niya.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang AAA ay isa sa mga biggest entertainment ceremonies sa South Korea kung saan kinikilala ang mga mang-aawit at aktor na may malaking impact sa music, film at television.

Para sa iba, ang awarding event ay katumbas ng pinagsamang Grammys at Oscars na tampok din ang iba’t-ibang performances.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang Pilipinas ng nabanggit na event in collaboration with StarNews, TONZ Entertainment, and PULP Live World.

Samantala, mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms ang latest single ni Josh na “Get Right.”

Ayon sa kanya, ito ang marka ng kanyang pagbabalik sa kanyang solo journey bilang music artist.

Read more...