KAIA may maagang ‘pamasko’ sa fans, dream come true ang first major concert

KAIA may maagang ‘pamasko’ sa fans, dream come true ang first major concert

PHOTO: Courtesy Sony Music

EXCITED na ang Pinoy pop girl group na KAIA para sa kauna-unahan nilang major concert!

Pinamagatan itong “KAIA IS HERE: 1st Solo Concert” na gaganapin sa darating na December 19 sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan.

Ayon sa grupo, asahan ang knockout performances at top-tier production numbers na inihanda nila para sa fans.

Ayon sa inilabas na pahayag ng record label na Sony Music, nakatakdang tanghalin ng all-girl ensemble ang ilan sa mga crowd favorite songs at mga bagong kanta.

Maliban sa group performances, mapapanood din daw sa show ang ilang individual segments.

Kwento pa ng KAIA, dream come true ang gagawin nilang first-ever show bago matapos ang taong 2023. 

Baka Bet Mo: P-Pop group KAIA idinaan sa kanta ang pagdiriwang ng Women’s Month

“We had always dreamed of having our own solo concert, and now it’s happening,” lahad ng chart-topping act sa isang press statement. 

Ani pa ng grupo, “While the pressure of it being our first solo show weighs on us, we’re fully dedicated to delivering the best possible experience to our fans.”

Nabanggit din ng P-Pop act na todo ang ginawa nilang paghahanda kung saan sumabak pa sila sa intensive training sa pagsasayaw at pagkanta para talagang maging espesyal ang kanilang performance.

“Despite the challenges, we pushed ourselves to deliver more than our best for our fans, ZAIA,” sambit ng five-piece ensemble.

Mensahe pa nila sa fans, “To our ZAIA, thank you for your undying love and support for us. Because of all of you, our concert has become possible. In return, we will give you a performance that you will remember forever.”

Almost sold out na ang concert tickets para sa kanilang show.

Available ang tickets sa TicketNet, pati na rin sa physical outlets nito nationwide.

Ayon pa sa Sony Music, may kasamang official merch ang tickets para sa kumpletong fan experience!

Read more...