Quiapo Church opisyal nang magiging ‘National Shrine’ sa taong 2024

Quiapo Church opisyal nang magiging ‘National Shrine’ sa taong 2024

PHOTO: Facebook/Quiapo Church

MAGANDA ang magiging pasok ng taong 2024 para sa mga kababayan nating Katoliko!

Ang good news, opisyal nang gagawing “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene of Quiapo Church sa Maynila.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang official declaration nito ay mangyayari sa darating na January 29.

Sa Facebook, proud na ibinandera ng Quiapo Church ang tinatawag na “Decree of Establishment” ng bagong estado ng simbahan bilang national shrine.

Makikita sa pictures na ipinasa ng CBCP secretary general na si Msgr. Bernardo Patin sa rektor ng Quiapo Church na si Fr. Jun Sescon ang nasabing decree.

“We have officially received from the CBCP the Decree of Establishment as a National Shrine through Msgr. Bernando Pantin, CBCP Secretary General Receiving the Decree is our Rector and Parish Priest Fr. Jun Sescon,” caption sa FB post.

Wika pa, “The solemn declaration is set on JANUARY 29,2024”

Baka Bet Mo: Angeline sa Quiapo Church gustong magpakasal, kukuning wedding singer sina Regine at Sarah

Ang naging pasya ng CBCP na iangat ang estado ng nabanggit na simbahan mula sa pagiging “archdiocesan shrine” ay nangyari sa 126th plenary assembly ng mga Obispo sa Aklan noong Hulyo.

Kung matatandaan noong 1987 nang kinilala ni Pope John Paul II ang Quiapo Church (canonically known as the Saint John the Baptist Parish) bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa naging epekto nito sa religious culture ng mga Pilipino.

Sikat din ang simbahan dahil sa taunang “Traslacion” o ‘yung grand procession ng Black Nazarene na siyang dinadagsa ng libo-libong mga deboto tuwing January 9.

Read more...