Alex Gonzaga proud sa kanyang ‘nose job’: I say do what makes you happy!

Alex Gonzaga proud sa kanyang ‘nose job’: I say do what makes you happy!

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

TILA mas naging confident at mas masaya ngayon ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga matapos sumailalim sa nose job.

Sa sunod-sunod na Instagram post ng aktres, proud niyang ibinandera ang bago niyang ilong.

Kwento niya, last month lang niya ito ipinagawa at hindi siya napigilang gawin ito.

“I say do what makes you happy!” caption niya sa IG post kalakip ang kanyang pictures.

Wika pa niya sa caption, “After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala [nang] nakapigil. Now you nose #filternomore.”

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga naniniwalang darating ang tamang panahon para magkaanak: By God’s grace and infinite goodness, we will have our rainbow baby

Sa isa pang post, kwela niyang biniro ang mister na si Lipa City councilor na si Mikee Morada kaugnay sa bago niyang look.

Advice niya, “Magpaganda ka habang wala sa bahay asawa mo.”

“Pagbalik niya tapos nagtaka siya tsaka mo sabihin, ‘Ako lang to’,” biro pa niya.

Maraming kapwa-celebrities naman ang pumuri kay Alex at gandang-ganda sa kanya.

“Haha you’re the best [red heart emoji] looks good!” komento ng batikang journalist na si Karen Davila.

Sey ng aktres na si Lovely Abella, “Ang gandaaaa”

“Ganda ganda mo lalo [smiling face with hearts eyes emoji],” ani naman ng vlogger na si Zeinab Harake.

Magugunita noong Oktubre ay naging laman ng balita si Alex matapos niyang ibunyag na nakunan siya sa ikalawang pagkakataon.

Nakwento niya na sinubukan niyang mabuntis sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF), pero hindi ito nagtagumpay.

Matatandaan noong October 2021 nang maranasan ng aktres ang una niyang miscarriage matapos magkaroon ng “blighted ovum,” isang kondisyon kung saan ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall pero hindi nag-develop ang embryo nito.

Read more...