Josh Cullen sa single na ‘Get Right’: It’s a declaration of my return sa solo journey ko

Josh Cullen sa single na ‘Get Right’: It’s a declaration of my return sa solo journey ko

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

PASABOG ang bagong single ng SB19 member na si Josh Cullen na “Get Right.”

Kamakailan lang, nagkaroon ng exclusive press conference ang Pinoy pop idol sa Quezon City at doon unang nasilayan ng BANDERA ang music video para sa kanta.

Nako, talaga namang pang world class ang datingan ng kanyang video kaya marami din talaga ang bumilib at tuwang-tuwa nang ipinakita ito sa amin, kasama ang ilan pang entertainment press sa naganap na music video launch ni Josh.

Bukod sa music video, marami din ang nag-enjoy sa pa-live performance ni Josh.

Hataw kung hataw niyang tinanghal sa harap ng media ang mismong bagong labas niyang single. 

Biruin mo, from Asia Artist Awards (AAA) 2023 ay hindi alintana ang kanyang pagod dahil all-out din siya sa naging presscon at after party kinabukasan.

Baka Bet Mo: Josh Cullen ng SB19 nagbigay ng ‘love advice’ sa bagong kanta: It encourages to hold on, trust the process…

  

“I just came from a performance yesterday…so right now to be honest, I’m physically prepared but not mentally kasi parang ang daming nangyayari all at once,” sey niya.

Ani pa niya, “So I’m feeling good naman na. I’m thankful na ang daming nagpunta dito sa MV (music video) launch.”

Naikuwento rin ni Josh kung ano ‘yung mensahe na nais niyang iparating sa bago niyang kanta.

“Basically, ‘yung kanta is just, parang, a declaration of my return sa solo journey ko,” sambit niya.

Paliwanag niya, “Kasi I always take a chance to explore whenever we are not doing something. Especially now, it’s gonna be a Christmas break so a lot of them magpapahinga, magbabakasyon. So I will take this opportunity to grow as an artist.”

Nang tanungin naman siya tungkol sa paggawa ng nasabing kanta, aminado si Josh na may mga pagkakataon na nahirapan siya pero laking pasasalamat din niya na may mga pinsan siya na magaling at talentado din talaga sa musika.

“Siguro I’ll start with the lyrics kasi I wasn’t born in the [United] States, parang hindi ko naman native ‘yun [English language], hindi naman ako fluent katulad ng cousin ko na si Ace. So I really had a lot of help from her,” tugon ni Josh. 

Dagdag niya, “Parang fusion siya ng culture ng American tsaka Filipino with siyempre ‘yung influences and references na ginamit namin came from [her] and me. So maraming batuhan.”

“And siyempre, shoutout to my cousin, Ocho, for helping me to pull it off and with the production itself, siya rin ang kasama ko during those times,” lahad pa niya.

Chika pa ng SB19 member, “Mahirap siya kasi in terms of the production itself, the EDM vibe na ito, siguro kung paano niyo naririnig lahat ng elements, medyo complicated siya para i-execute…Nakakatuwa kasi it really exceeded my expectations and ayun, ang ganda lang ng collab namin.” 

“Besides the struggles, ‘yung having fun is the most important thing. Sorang hype na hype kami after ‘nung narinig namin siya,” aniya pa.

Ibinunyag din ni Josh na marami pang aabangan sa kanya ang fans, kabilang na raw ang ilalabas niyang solo album.

Maliban pa riyan, magkakaroon din daw ng solo projects ang iba pang miyembro ng SB19. 

“For 2024, I’ll be expecting a lot stronger SB19 and of course, individual members to be doing their own thing as well for sure. So mas malakas na version namin. ‘Yun lang masasabi ko,” sey niya.

Ani pa ni Josh, “For myself, siyempre, you’ll be expecting a lot from me. I’ll be releasing my EP soon. Malay niyo, hindi lang isang EP ‘yung i-release ko for next year. And I’m looking at early next year release din, pero tingnan natin kung kaya ng timeline.”

Read more...