Alden may holi-date surprise sa OFW fan; KMJS hinanting si Santa Claus

Alden may holi-date surprise sa OFW fan; KMJS hinanting si Santa Claus

Alden Richards, Michelle Dee, Beks Battalion

MULING nagsanib-pwersa ang GMA Public Affairs at YouTube para sa ikalawang taon ng “Pinoy Christmas in Our Hearts”.

Ito’y isang online digital series na nagpapakita ng mga kuwentong Pasko ng mga Pinoy. Tampok sa taong ito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, YouTube vloggers Beks Batallion, at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Maghahatid-saya sila sa mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng sorpresa para muling maranasan ng mga ito ang Paskong Pilipino.

Siguradong gagawing extra special ni Alden ang holiday season ng isa niyang tagahanga.

Nagsisikap ang OFW na si Abigail Gallosa sa Hong Kong para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ate at nanay sa Cebu.

Para maibsan ang kalungkutan na malayo sa pamilya, nililibang niya ang kanyang sarili sa panonood ng mga palabas ng hinahangaan niyang Kapuso star na si Alden.


Sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Hong Kong, makakapagdiwang na si Abigail ng Pasko kasama ang kanyang ate at nanay sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: K-pop fans bad trip sa ‘KMJS’, natakot sa kanilang seguridad: ‘Not all photocards have a P50k value’

Pero mas magiging merry ang kanyang Pasko dahil sosorpresahin siya ni Alden ng isang “holi-date” sa Christmas Capital of the Philippines — ang Pampanga.

Anim na Pasko naman nang hindi nakakauwi sa Siargao ang ngayo’y fruit-picker sa Australia na si Mariel Larsen.

Ang asawa niyang Australyano na si David at ang apat na taong gulang nilang anak ay naninirahan sa kanilang munting camper van.

Ngayong Pasko, uuwing muli si Mariel at kanyang pamilya sa Pilipinas para sorpresahin ang kanyang mga magulang.

Sasamahan din sila ng YouTube vloggers na Beks Battalion sa pagbuo ng belen sa Tarlac para sa taunang Belenismo.

Sigurado ring mapapangiti ni Michelle Dee ang isang teenager sa pamamagitan ng isang simple ngunit makabuluhang sorpresa.

Mahilig ang 16-taong gulang na si Sire Garcia sa Siyensya at Robotics, impluwensya ng kanyang Tatay Jervin na 12 taon nang OFW sa Saudi Arabia.

Naging maaga ang kanilang Pasko dahil nakauwi na ang ama niya nitong Nobyembre 14.

Ngunit makalipas lang ang ilang linggo, kinailangan na rin nitong bumalik sa Saudi. Para mapawi ang lumbay, kinomisyon ni Tatay Jervin si Michelle na i-treat ang kanyang pamilya para sa isang natatanging Christmas adventure.

Damhin ang diwa ng Paskong Pilipino sa “Pinoy Christmas in Our Hearts Year 2” na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube channel.

* * *

Mararanasan ng viewers ang isang mala-winter wonderland na Pasko dahil dadalhin kayo ni award-winning journalist Jessica Soho sa mga viral na lugar sa Switzerland sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) Christmas Special.

May titulong “Lumipad ang aming team sa Switzerland,” mapapanood na yan ngayong gabi, December 15, 8:15 p.m. sa GMA.

Baka Bet Mo: DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

Siguradong lalong madarama ang holiday vibes at spirit dahil tutuntunin ng KMJS Team ang isa sa pinakamayayamang bansa sa mundo sakay ng tren para maunawaan at madiskubre kung bakit ito ang isa sa mga dream destinations ng millennials at Gen Zs.

Pupuntahan ni Jessica ang viewing deck ng isa sa iconic mountains sa Switzerland, ang Matterhorn, na nakaimprenta sa isang sikat na brand ng tsokolate.

Haharapin din niya ang kanyang fear of heights sa pagsakay sa rotating gondola, ang Ice Flyer, at sa paglakad sa tinaguriang highest suspension bridge sa Europe na matatagpuan sa summit ng Mt. Titlis.


Pupuntahan din niya sa Montreux si Santa Claus kung saan madalas siyang tingalain sakay ng flying sleigh!

Makikilala rin ni Jessica ang mga Pilipino na sa Switzerland na sinuwerte. Kilalanin si Mila, isang kababayang laki sa hirap at anak ng magsasaka sa Pilipinas, pero meron na ngayong 22 ektaryang hacienda sa Switzerland.

Mapapa-“Sana all” na lang din ang viewers sa kababayang sa Switzerland nahanap ang kanilang forever! Kasama na rito si Chantal na may nobyong Swiss na nag-propose pa sa tulay na naging setting ng Korean series na Clash Landing on You!

Dadayo rin si Jessica sa Geneva para dumalo sa taunang Christmas party ng halos isang libong OFWs. Abangan kung makasabay siya sa pagsayaw ng Tinikling na naging hamon sa kanya ng mga OFWs.

Lahat ng ‘yan, mapapanood sa “KMJS Christmas Special” na “Lumipad ang aming team sa Switzerland,” ngayong Linggo, sa mas pinaagang oras sa GMA 7.

Read more...