Waiian may bagong album tungkol sa 3 years na pahinga sa music industry

Waiian may bagong album tungkol sa 3 years na pahinga sa music industry

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

MAKALIPAS ang tatlong taon na pahinga, muling nagbabalik sa music industry ang Hip-hop artist at rapper na si Waiian.

At kasabay nga niyan ay ang pag-release niya ng bagong album na pinamagatang “Weyaat?” at official music video ng kanyang single na “Pablo.”

Sa isang exclusive press conference, naikuwento ni Waiian na ang bagong album ay inspired mismo sa mga pinagdaanan at karanasan niya habang siya’y naka-hiatus sa paggawa ng musika.

Nabanggit din niya kung gaano kahalaga ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang life journey at career.

“Some very sad stuff happened back in 2020,” chika ng Pinoy rapper.

Patuloy niya, “I was like, ‘nothing else matters but the people you really love and care about for real.’ So I was like, ‘Man, I’m gonna take a break.”

“I’ll live life a little bit more, so I have something to rap about.’ So whatever is inside that album is whatever happened in the last three years, I guess,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

Nang tanungin siya ng BANDERA kung bakit rap at hip-hop ang napili niyang genre.

Kwento niya, “I started this music career thing ‘cause I saw it as a way to, like, make money, but at the same time, I’ll be able to spend all my time with my friends and family, which is like my own goal when I was 15 years old.”

Nagkaroon din kami ng follow-up question kung ano sa mga kanta niya sa bagong album ang talaga namang nakaka-relate siya hanggang ngayon.

Ang sagot niya ay ang kantang “Pablo” dahil doon niya raw inilahad ang mga pagsubok na hinarap niya sa tatlong taon na hiatus.

“I think, ‘yung pinaka naka-relate ako is ‘yung ‘Pablo’ kasi doon ko binato ‘yung mga pinagdadaanan ko sa buhay, mga hardships, the grieving I’ve done for three years,” sey niya.

Dagdag pa ng hip-hop artist, “It’s me very deep in my heart.”

Bandang huli ay nanawagan siya sa kapwa-rapper, lalo na sa mga baguhan na maging maingat sa magiging mensahe ng kanta dahil karamihan sa mga nakikinig ay mga kabataan.

“[Rapping is] always challenging, it’s always colorful and always has its stories here and there…I think people should be a bit careful with the message that they feed to the listeners. A lot of hip-hop listeners these days are mostly young kids,” sambit niya.

Ang “Weyaat?” album ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms via Sony Music Entertainment.

Read more...