Kathryn Bernardo, Daniel Padilla ‘nagbalikan’, KathNiel fans nagpiyesta

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla 'nagbalikan', KathNiel fans nagpiyesta

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGPIYESTA ang mga loyal fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang muling makitang magkasama ang dating magdyowa.

Shookt but super happy ang karamihan sa KathNiel fans sa pa-surprise nina DJ at Kath sa una nilang public appearance together matapos ang kanilang controversial breakup.

Magkasamang nag-perform ang ex-couple sa Christmas Special 2023 ng ABS-CBN na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Game na game at all-out ang kanilang performance sa Big Dome with their version of “I’ll Be There For You” by The Rembrandts.

Baka Bet Mo: Dolly kay Kathryn: ‘I was so nervous to meet her…at nalaman ko na hindi lang pala siya mabait, cool at creative pa’

In fairness, base sa kanilang production number at sa naging galawan nila on stage, mukhang maayos naman ang kanilang relasyon ngayon bilang ex lovers.

Magandang signs ito para sa mga KathNiel fans na patuloy na umaasa na magkakaroon ng second chance o part 2 ang 11 years na relasyon nina DJ at Kath.

Mas lalo pang kinilig ang kanilang mga supporters nang mapanood ang isang video sa social media kung saan muli nilang nakita na halos magdikit ang kamay ng mag-ex.


May nakita rin kaming video nina Kathryn at Daniel na kuha naman sa backstage kung saan makikitang nakatayo ang dalawa malapit sa isa’t isa habang nakatingin at nakangiti sa kanilang mga fans.

Narito ang ilang comments mula sa BANDERA Facebook page.

Baka Bet Mo: Resbak ni Sunshine sa epal na basher: Masarap po mabuhay nang may pagpapatawad at pagmamahal sa puso

“Ok lang yan daniel.. Wag mong intindhin yung mga taong nasa paligid mo na walang sinabi na maganda, basta ang palagi mong tatandaan, wala kang ginagawang tama.”

“In the name of money need to be kind and happy sa harap ng tao for get the pain because  they need more money. ganyan tlga work is work eka nga.”

“Nagkabalikan na po sila. Kung napanuod niyo yung nagsalita si karla, malamang sa malamang yun ang dahilan kaya sila nagkabalikan pero curious pa rin ako dun sa kadiri na sinabi ni daniel.”

“Kath and DJ on their own are powerful, but KathNiel together are on a different level. Just too magical. Praying for your happiness, Kath and DJ.”

“It’s just a MAKE BELIEVE, BUT I just can’t go on, without your smile,
without your touch, without your loveeee.”

“Totoo nga ung term ni hyubs na nagpapagaling.”

“Plastikan Lang Yang dlwa Ng dahil SA kontrata .at awa doon SA mga fans Ng KATNIEL.”

Halos sabay na nag-announce sina Daniel at Kathryn na totoong hiwalay na sila sa pamamagitan ng social media.

Mensahe ni Kath, “Like any other relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.”

Read more...