Ella Pangilinan nag-explain sa ‘di pagdalo ni Sofia Andres sa kanyang kasal

Ella Pangilinan nag-explain sa 'di pagdalo ni Sofia Andres sa kanyang kasal

Ella Pangilinan at Sofia Andres

IPINALIWANAG ni Ella Pangilinan ang dahilan kung bakit missing in action ang aktres na si Sofia Andres sa kanyang kasal.

So Sofia ang partner ni Daniel Miranda na siya namang kapatid ng kanyang napangasawa na si Enrique Miranda.

Makikitang present sa special day nina Ella at Enrique si Daniel pero kahit sa reception ay hindi namataan si Sofia.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens ang magtaka kung may something nga ba dahil biglang wala ang aktres.

Sa kanyang in-upload na video sa TikTok nitong December 12 na kuha mula sa kanilang kasal, marami sa mga netizens ang diretsahang nagtanong kung nasaan si Sofia.

Baka Bet Mo: Ella Pangilinan, Enrique Miranda ikinasal na

“Unfortunately, she couldn’t make it last minute [because] of important matters,” sagot ni Ella.

Dagdag pa niya, “But love her nonetheless.”

Matatandaang noong December 2022 nang ianunsyo sa publiko ni Ella ang engagement nila ni Enrique.

Nitong November lang nang maganap ang kanyang Amalfi-inspired bridal shower na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at kapamilya kasama ang kanyang ina na sina Maricel at ang kanyang kapatid na si Hannah Pangilinan.

At nitong December 6 lang nang maganap ang Filipiniana-themed wedding nina Ella at Enrique sa Puerta Real Gardens sa Intramuros.

Read more...