PINABULAAANAN ng social media personality na si Jam Magno o si Jessica Ann Magno ang mga kumakalat na balitang inaresto siya matapos mag-viral sa social media ang kanyang mug shot na inilabas ng pulisya.
Sa kanyang Facebook page, sinabi niyang walang katotohanan na hinuli siya sapagkat personal niyang isinuko ang sarili sa mga otoridad kasama ang kanyang abogado nitong Martes, December 12.
“I smiled because I am NOT guilty,” panimula ni Jam.
Chika pa niya, natatawa siya sa tuwing sinasabi ng mga tao na inaresto siya.
Lahad ni Jam, “Have you ever seen a mugshot that’s much prettier than mine? Still dili makatarog. Funny that people said I was arrested. Hahahahahaha.
“Correction. I surrendered and posted my 72,000 peso bail and did NOT ask for a discount, and I was escorted by an entire TEAM of Butuan’s BEST. So kalma mga abog. Dili gihapon mo katarog.”
Baka Bet Mo: Jam Magno permanently suspended sa Twitter: How on Earth did this happen?
Nagpasalamat pa nga si Jam sa Butuan City Police Station 4 sa kanyang “wonderful experience”.
“I actually loved it! Hahahahaha! And to Barangay Ampayon’s New Barangay Captain Kim Acalayen for the fast process of my Bail Requirements,” lahad ng social media personality.
Ayon naman sa hepe ng Butuan City Police Station 4 na si Captain Charles Evan Gatchalian, personal na isinuko ni Jam ang sarili matapos siyang ma-isyuhan ng arrest warrant for psychological violence ni Presiding Judge Ali Joseph Ryan Chiong Lloren ng Misamis Oriental Regional Trial Court, Branch 37.
“Hindi siya inaresto, nag-voluntary surrender siya. Nagpunta siya dito kasama yung kanyang relative at abogado, may dala na sila yung warrant nila.
“Tinignan natin sa database wala pa, pero since may dala naman siya prinocess namin dito dahil dito siya nakatira sa area of responsibility natin,” pagbabahagi ni Gatchalian sa INQUIRER.net sa pamamagitan ng isang phone interview.
Ayon pa sa police official, walang mga detalye ujol sa case filing ngunit inilahad nito na nag-piyansa si Jam ng halagang P72,000 noong alas tres ng hapon ng December 12.
Isang judge mula sa Butuan City ang nag-issue ng bail order.
Si Jam ay kilala bilang isa sa mga solid supporters ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.