Kitchie Nadal ibinandera sa socmed ang second baby na si Lago

Kitchie Nadal ibinandera sa socmed ang second baby na si Lago

PHOTO: Instagram/@kitchienadal

SA kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala na ng OPM iconic singer na si Kitchie Nadal sa publiko ang kanyang newborn baby.

Meet, Lago, ang second baby nila ng mister at Spanish journalist na si Carlos Lopez.

Sa Instagram, ibinandera ng singer-songwriter ang video na tila dedication ceremony ng anak na ginanap sa Spain.

Kaka-post lang ni Kitchie, pero inilagay niya sa caption na nangyari ang seremonya noong November 17.

Walang detalye kung kailan nanganak si Kitchie, pero chinika niya kung bakit Lago ang ipinangalan nila sa anak.

“Lago is derived from Santiago (Sant īAGO),” sey niya sa IG.

Paliwanag niya, “It is believed that he began preaching the gospel in the northern Spanish region of Galicia, and for this reason, he is revered as the patron saint of Galicia and, more broadly, of Spain as a whole.”

Baka Bet Mo: Barbie, Kitchie, Aia, ilan pang Pinoy rock queens nagsanib-pwersa sa bagong single na ‘Talinghaga’

Sa hiwalay na post, makikita ang picture na kasama ng kanyang baby ang mga lola nito.

Si Kitchie ay kilala sa mga hits songs na “Huwag na Huwag Mong Sasabihin,” “Same Ground,” at marami pang iba.

Taong 2015 nang ikinasal siya sa kanyang mister na si Carlos.

Noong 2017 naman nang isinilang ng singer ang panganay nilang anak.

Magugunita na noong Hulyo nang inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis kay Lago.

Read more...