Kakaibang Sharon Cuneta mapapanood sa ‘Family of Two’
WALANG umuwing luhaan sa mahigit 50 taga-media/vloggers/TV reporters bukod pa ang TV crews na nanalo sa parapol na handog ng Cineko Productions sa nakaraang “Family of Two (Mother and Son Story)” nitong Disyembre 3, Linggo sa Novotel, Araneta City.
Sa ilang beses naming nakadalo sa mga mediacon ng Cineko Productions ay ito na yatang “Family of Two” ang pinaka-bongga ni Mayor Rico Roque kasama ang kasosyong si dating mayor Patrick Meneses na sila mismo ang nag-host sa palarong Pera o Bayong.
Ayon kay mayor Rico ay ang saya-saya niya dahil natupad ang pangarap niyang maka-work sina Sharon Cuneta at Alden Richards na aminado noong una na nahirapan sila dahil sa sa busy schedules nang dalawa.
Oo nga naman dahil nu’ng kinuha si Mega ay siksik ang kalendaryo niya dahil may mga concerts siyang gagawin bukod pa sa araw ng rehearsals, pero nagawan ng paraan sa mahabang usapan ng talent coordinator ng pelikula na si Kristina C. Orfiano at ng assistant ni Sharon.
Gayun din si Alden na dumaan pa sa butas ng karayom dahil nga puro pula rin ang kalendaryo nito na mismong bossing na ng GMA 7 ang umayos at ginawan din ng paraan ng aktor na bigyan ng mga araw ang Family of Two dahil nga nasa bucket list din niya si Sharon na maka-trabaho.
Si Pepe Herrera ay first choice talaga ni mayor Rico na bukas naman ang schedules at si Jackie Lou Blanco na talagang bff ni Sharon kaya go agad ang manager niyang si Noel Ferrer.
At siyempre si Miles Ocampo na ‘anak’ din ang turing ni Shawie kaya naman ang saya-saya niya ng malamang kasama rin ito sa pelikula bilang girlfriend ni Alden.
Kaya naisip naming ito ang dahilan kung bakit ganado si Mayor Rico sa mga ipinamahagi niya sa nakaraang mediacon dahil lahat ay nakapag uwi ng loot bags plus mamahaling relo bukod pa sa mga napanalunang cash prizes, tatlong 55 inches Smart TV.
Anyway, sa pakikipag-kuwentuhan namin kay Mayor Rico ay inaming relate siya sa kuwento ng “Mother of Two (Mother and Son Story)” dahil pinalaki sila na nana yang kasama dahil maagang naghiwalay ang magulang nila.
“Sobrang lapit sa akin ng istorya kasi single mom,” bungad sa amin ng mabait na mayor ng Pandi, Bulacan.
“Kami kasi produkto ng single mom, ngayon lang ulit nagkabalikan after 48 years ang nanay at tatay ko. E, kasama namin lagi. Hindi man sila nagkabalitan pisikal pero okay sila. Nagta-travel abroad sila, magkaibigan,” kuwento ni mayor Rico.
Ipinagmamalaki pa ng Cineko producer na ibang Sharon ang mapapanood sa “Family of Two (Mother and Son Story)” dahil binago raw lahat ang kilos at acting niya na napanood na sa iba nitong pelikula. Parang hindi siya umaarte pero sobrang galing.”
Baka Bet Mo: Advice ni Sharon Cuneta sa KathNiel fans: ‘Do not take sides’
Hirit naman ng nagsulat ng script na si Mel Mendoza-Del Rosario na may eksenang kaswal si Miles na dapat ipanood sa mga (nagwo) workshop, “kasi it’s really a master class. Sa isang eksena 5 emotions, walang dialogue, realization, disbelief, guilt, think, iba-ibang emotions tingin lang. Naisip ko puwede pala ‘yun na nanginginig-nginig lang ang luha na hindi pinatutulo, pinigil. Ang galing ng character niya.”
Ang “Family of Two” ay more intimate than “Family Matters” dahil dalawang character ang bida. Dynamics ng mag-ina at sana maging eye-opener ito sa mga anak na kahit anong edad na ay huwag ipakita ang pagmamahal sa magulang.
“Yakapin mo ang nanay mo sa harapan ng kaibigan mo. huwag kang mahiya kasi sa mga bagets (pag yayakapin ng nanay), sasabihin ‘ma huwag dito. Isa iyon sa lessons dito sa Family of Two. Personal journey of Sharon, self-love na hindi namin ipinakita sa trailer, you have to watch the movie,” kuwento ni Mel.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta nabahala sa napanaginipan: Ang alam ko lang pagod na ako
Samantala, abangan ang cast ng Family of Two sa Parade of Stars sa December 16 na iikot sa Kaloocan, Malabon, Navotas at magtatapos sa Peoples Park sa Valenzuela City.
At sabay-sabay panoorin sa December 25 ang “Family of Two” directed by Nuel C. Naval sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.