Bea Borres kinastigo ng netizens sa video ni Boss Toyo, nag-sorry

Bea Borres kinastigo ng netizens sa 'ako ang dahilan' video, nag-sorry

HUMINGI ng tawad ang bestfriend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres sa mga na-offend sa nag-viral niyang video sa social media.

Naglabas kasi si Boss Toyo ng video kung saan naririnig na tinatanong niya ang dalaga kung sino nga ba ang “dahilan”.

Sagot ni Bea, “Ako talaga. Ako talaga ‘yun. Sige na. Aamin ko na, ako talaga ‘yun!”

“Anong gagawin ko? Ang ganda ko e,” tumatawang sabi pa niya.

Agad namang kumalat lalo na sa X ang video ni Bea na may caption na “really? Very sensitive.”

Paano kasi’y inilabas ito sa kalagitnaan ng hiwalayang Kathryn at Daniel kung saan ang itinuturo umanong dahilan ay ang kanyang bestfriend na si Andrea.

Baka Bet Mo: Bea Borres ‘napuno’ sa netizens: Wala kayong makukuha sa akin

Kaya naman hindi rin mapigilan ng KathNiel fans ang manggigil kay Bea lalo na at nagagawa pa nitong gawing biro ang heartbreak ng iba.

Tinawag pa nga siyang “insensitive” ng ilan at hinamon na magsalita tungkol sa kinalaman ng kanyang bestfriend dahil mailap pa rin ito at walang inilalabas na pahayag sa kabila ng pagkumbinsi ng mga tao na magsalita siya upang malinis ang kanyang pangalan.

Sa kanyang Facebook account ay humingi siya ng paumanhin sa mga na-offend sa kanyang video.

“I am sorry for any offense I may have caused for appearing in a video on Boss Toyo’s page. I acknowledge that it was very insensitive of me,” saad ni Bea.

Sa kabila nito ay nakikiusap siya sa publiko na huwag siyang i-judge dahil lang sa video.

“I do ask for people to remember not to judge me and my whole being based on that short video,” sey pa ni Bea.

Lahad pa niya, nang ibinahagi niya ang kanyang video noong gunitain niya ang death anniversary ng kanyang ama ay marami rin siyang natanggap na pmababatos mula sa netizens.

“When I shared my sorrow about my father’s death anniversary on November 30, he faced a level of disrespect more than I could ever have imagined,” sabi ni Bea.

Muli ay humihingi siya ng tawad sa kanyang nagawa at nangangakong maging “better”.

“Nonetheless, I apologize for my behavior and strive to do better for all those who are with me in this journey. I would also like to thank all those who continue to support me despite my own mistakes, and hope that we can be better people together,” ani Bea.

Read more...