Tanong ng ‘CIA with BA’: Tama bang hindi magbigay sa mga nangangaroling?

Tanong ng CIA with BA: Tama bang hindi magbigay sa mga nangangaroling?

TUNAY ngang nasa hangin na ang Kapaskuhan at napaka-timely ng isang katanungan na itinampok sa “Yes or No” segment ng “CIA with BA” sa episode nitong Linggo, Disyembre 3.

Ibinahagi ni Richard Knows ng “Mariteam” ang isang nakakatawa ngunit ‘di kanais-nais na pangyayari sa pangangaroling niya kasama ang kanyang grupo.

“Every year po kasi, nangangaroling kami. Mayroong may magandang bahay sa amin, nangaroling kami at pinapasok kami.

“Tapos pinakanta kami nu’ng may-ari. Nag-perform kami, sumayaw-sayaw pa, pina-tumbling pa ‘ko, daming pinagawa sa akin,” kwento niya.

“Alam niyo po, ang ending, hindi po kami binigyan. Tama po ba ‘yon?” tanong ni Richard.

“It’s a very interesting question. Kung ako ang judge, ang sasabihin ko, oobligahin ko ‘yung may-ari na may ibigay,” saad ng host at mambabatas na si Alan Peter Cayetano. “Kung ang tanong ay ‘may obligasyon ba?’ Yes!”

Baka Bet Mo: ‘CIA with BA’ tuloy pa rin ang serbisyo-publiko sa bagong season

Idinetalye ni Kuya Alan, “Bakit? Kasi kung nangangaroling sa harap ng bahay mo at sabihin mo, ‘next time!,’ ‘thank you!,’ wala kang obligasyon, wala naman kayong kontrata e. ‘Di ba?”

“Pero kung pinapasok sa bahay at nag-request pa ng kanta, ‘yung nagka-caroling ka bahay-bahay, everyone knows na ibig sabihin, whether for yourself or for charity  humihingi ka.

“So for me, abuso ng kanyang karapatan na pinapasok ka tapos pinakanta ka pa, tapos walang binigay,” pagpapatuloy niya.

Ipinaliwanag rin ni Kuya Alan na magkaiba ang mga kumakanta ng Christmas carols sa mga tiyak na lugar at ang mga nagbabahay-bahay para mangaroling.

Baka Bet Mo: ‘CIA with BA’ nominado bilang Best Talk Show sa 45th CMMA, paalala ng mga host: ‘Du’n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala’

“By the way, iba ‘yung singing Christmas carols, iba ‘yung caroling. Kasi ‘yung mga, halimbawa, nasa public park, nagko-concert sila, ginagawa ‘yon para matuwa ang mga tao o kaya ‘yung mismong mall binabayaran sila, they’re singing Christmas carols to entertain, to make people happy. Wala kang obligasyon maglagay (magbigay),” aniya.

“Pupunta sila, let’s say sa mga ospital – sa mga bata o sa matatanda – kakanta, they don’t expect anything. Hindi sila biglang magsasabi na, ‘O, mga pasyente, magbigay kayo!’ dagdag pa ng senador.

Kasalukuyang nasa ikaapat na season ang “CIA with BA” mula noong umere ito noong Pebrero 5, 2023.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Read more...