Tito Sotto inaming ‘early Christmas gift’ ang pagkapanalo sa ‘Eat Bulaga’ trademark

Tito Sotto 'early Christmas gift' ang pagkapanalo sa 'Eat Bulaga' trademark

Vic Sotto, Joey de Leon, at Tito Sotto (TVJ)

AMINADO ang dating senador at isa sa miyembro ng TVJ na si Tito Sotto o kilala bilang na isang napakgandang Christmas gift para sa kanila ang pagkakapanalo sa “Eat Bulaga” trademark

Sa kanilang isinagawang presscon ngayong araw, December 6, sinabi nitong masaya siya na na-recognize na pati ng gobyerno na kanila ang “Eat Bulaga”.

“Definitely it’s a Christmas gift. We’re so happy about it being officially recognized by the government, not just by the people, [but] by law, official recognized ng batas. So talagang parang early Christmas gift,” saad ni Tito Sen.

Ngunit sa kabila nito ay hindi pa nila talaga napag-uusapan kung ano pa ang kanilang next plans at kung kailan nila ito planong gamiting muli.

“Perhaps, after the presscon or after the day we’ll discuss the other legal matters on our own kung ano ang plano namin doon sa amin[g pangalan],” pagpapatuloy ni Tito.

Chika pa niya, alam na rin naman ng mga dabarkads na sa kanila talaga ang “Eat Bulaga”.

Baka Bet Mo: Tito Sotto sa renewal ng ‘Eat Bulaga’ trademark ng TAPE: Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright

“Ang biro ko nga doon sa mga kausap namin noon sa korte, sabi ko, ‘Ang alam ng tao, TVJ is Eat Bulaga! Eat Bulaga! is TVJ. Kayo lang ang hindi nakakaalam’,” pagbabahagi pa ni Tito Sen.

Sey naman ni Joey, kahit pa anong itawag sa kanila, mapa-“E.A.T.” o “Eat Bulaga!” ay ok lang sa kanya.

“Natatawa kami… Hindi kami [nagagalit]. Hindi katulad sa kabila, papagalitan. Kahit matatandanm binabastos nila. Kami hindi e. Sasabihin lang namin, ‘ok lang ‘yun. Kami rin naman ‘yun’. Totoo naman. Kaya kahit E, ok lang kami. Kahit A, ok lang. Kahit T, ok lang. Kami pa rin ‘yun,” segunda ni Joey sa pahayag ni Tito Sen.

Pagbabahagi naman ng kanilang abogado na si Atty. Enrique “Buko” dela Cruz, noon pa man daw ay inabisuhan na nila ang kanilang kliyente na pwede nilang gamitin ang “Eat Bulaga” bilang titulo nn show.

“Ang opinyon talaga ng Divina Law… pwede nang gamitin kahit noon pa, even before the decision came out dahil nga ‘yung rehistro nila hindi para sa entertainment. Ang rehistro nila ay para sa merchandise gaya ng sinabi ni Tito Sen,” lahad ng abogado.

Pero pinili na lang raw ng TVJ na gawin ang sumailalim sa proseso para maging maayos ang lahat.

Dagdag pa ni Atty. Buko, “Sila ang pumili e. Si TVJ ang nagparaya st sinabing ‘ayaw namin ng gulo. Tutal may proseso, sundan natin ang proseso’. Nirespeto nila. Ngayong lumabas na at sinasabi mismo ng gobyerno na ang talagang may ari ang may karapatan sa title na ‘Eat Bulaga’ o ‘EB’ ay ang TVJ, ay dapat sila naman ang rumespeto para isa lang ang gagamit. Kung ang tanong sy kailan pwedeng gamitin, anytime.”

Sey naman ni Vic Sotto, “Siguro pag tumigil na ‘yung gumagamit na iba at nagpakita ng respeto, ‘yun na siguro ang tamang panahon [na gamitin].”

Dagdag pa niya, “Pagka nagpakita na sila ng respeto at tigilan na nila ang panggagamit ng hindi na sa kanila e mas masaya at siguradong hindi lang Merry Christmas kundi Happy New Year talaga!”

Read more...