Pokwang hindi ipinagdamot si Malia sa ex-dyowa; goodbye kanegahan sa 2024

Pokwang hindi ipinagdamot si Malia kay Lee O'Brian; goodbye nega sa 2024


Pokwang, Lee O’Brian at Eugene Domingo

LUMAMBOT na ang puso ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang para sa dati niyang partner na si Lee O’Brian.

Kinumpirma ng komedyana na totoong pumayag na siyang makasama ng American actor ang anak nilang si Malia kamakailan para makapag-bonding uli ang mag-ama.

Nakachikahan namin si Pokey kahapon sa presscon ng pelikula nila ni Eugene Domingo na “Becky And Badette”, isa sa 10 official entry ng Metro Manila Film Festival 2023.

Dito nga niya nai-share ang naging desisyon niya na buksan uli ang communication nila ng tatay ng bunsong anak.


“Yes, ipinapahiram ko na, kasi it’s all about Malia naman, e. Okay na, nakakadalaw na naman siya at naipapasyal na niya yung bata.

“So, ngayon hinihintay ko kung kailan niya uli gusto (makipag-bonding sa anak), kasi importante sa akin yung happiness ng anak ko. Tsaka magpa-Pasko, e, alam naman nating lahat that Christmas is for children,” pagbabahagi ni Pokwang.

“Okay na ako, okay na. Kailangan, e. Kailangan ko nang maging okay. Magtu-2024 na, ayoko nang magbaon ng alam mo ‘yun,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

“Du’n naman sa fadir, in fairness, lately nag-effort naman. Hindi ko naman pinagdamot, okay, go, bonding kayo,” sey ng aktres.

Sundot na tanong sa kanya, paano kung siya naman ang dalawin? “Hindi, okay na ‘ko, wala naman akong sakit! Ha-hahahaha!”

Paano nagsimula ang pag-uusap nila uli ni Lee? “Bigla na lang siyang nag-message, sabi niya, ‘Pwede ko bang isama si Malia, manonood kami ng Aladdin. Kasi last year nanood kami, ganyan-ganyan, mga Disney Princess.

“Sabi ko, okay sige. So, dinala ko yung bata sa lugar nila. Ganern, so okay naman,” chika pa ni Pokey.

At sa tanong kung pwede pa silang maging friend ng dating ka-live in, “May proseso yan, hindi naman agad-agad yan. Kagaya nga ng sinabi ko, dapat ang 2024 light-light na lang tayo, happy-happy lang,”


Ready na ba siyang magmahal uli? “Pwede na rin naman, pero mas priority ko muna yung bagong bahay, yung negosyo ko tsaka siyempre ang mga anak ko.”

Gusto mo ba foreigner again o Pinoy na lang? “Sabi ko nga, kahit sino kahit anong nasyon, basta tao ang ugali, mamahalin ang mga anak ko. Sabi nga nila love has no gender.”

Samantala, ngayong darating na MMFF 2023, doble ang saya sa Kapaskuhan kasama ang “Becky and Badette” ni Jun Robles Lana sa hatid nitong kakaibang humor, kuwelang twinning, at riot na kalokohan mula sa mga comedy queens na sina Eugene Domingo at Pokwang.

Handog ng The IdeaFirst Company at October Films, ang “Becky and Badette” ay tungkol sa dalawang high school bestfriends na maraming pagdadaanang nakaka-aliw at makulit na misadventures para makamit ang kanilang pangarap sa buhay.

Baka Bet Mo: Princess Sarah naiyak nang malamang buntis na si Becky; fans nina Camille at Angelica napa-throwback nang bongga

Pinaghalong humor at heartfelt storytelling, ipinagdiriwang ng Becky and Badette ang kahalagahan ng totoong pagkakaibigan na paniguradong makakapagpa-relate sa mga manonood.

Sa ilalim ng direksyon ng direktor na bumuo ng 2021 MMFF Best Picture “Big Night!” at ng mga paboritong comedy films tulad ng “Die Beautiful,” “Born Beautiful,” “The Panti Sisters,” at “Sampung Mga Kerida,” maaasahan ang tagos-pusong storytelling na tatak Jun  Lana sa “Becky and Badette.”

Ito ang ikalawang beses na muling magsasama sa big screen sina Eugene Domingo at Pokwang pagkatapos ng kanilang big hit movie noong 2006 na “D Lucky Ones.”

Dahil sa taglay nilang chemistry, samahan pa ng makulay na imahinasyon ni Direk Jun Robles Lana, paniguradong magiging memorable ang pelikulang ito para sa mga manonood.

Kasama sa makulay na cast ng Becky and Badette sina Agot Isidro, Romnick Sarmenta, at Adrian Lindayag, with guest appearances mula kina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Ice Seguerra, Moira Dela Torre, Christian Bables, Janice De Belen, Gladys Reyes, Sheryn Regis, Sharlene San Pedro, Timothy Castillo, Joross Gamboa, Victor Silayan at Press Hit Play.

Ipagdiwang ang nakaaaliw at matatag na pagkakaibigan kasama ang Becky and Badette, isang official entry sa 49th Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan nationwide simula December 25.

Pinasasalamatan ng Becky and Badette ang Beauty Derm, Coco Dolce, Sisidlan Bags, The Happy Organics, at True Beauty International.

Read more...