Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga

Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga

Alden Richards at Sharon Cuneta

SA kauna-unahang pagkakataon, inamin ng Asia’s Multimedia Media Star na si Alden Richards na inatake rin siya ng matinding depresyon.

Yan ang naging rebelasyon ng Kapuso matinee idol sa naganap na presscon ng pelikula nila ni Megastar Sharon Cuneta na “Family Of Two (Mother And Son Story)” kagabi, December 3.

Ayon kay Alden, naranasan din niya ang mapunta sa madilim na bahagi ng kanyang buhay, kung saan intake siya ng matinding depresyon at kalungkutan.

Feeling daw niya that time ay wala na siyang silbi at hindi na siya kailangan ng entertainment industry na naging tahanan na niya sa loob ng 13 taon.


Paliwanag ni Alden nang makorner siya ng press people after ng mediacon ng “Family Of Two”, “Parang naabutan lang ako ng maraming problema during that time.

“Kasi nagpatung-patong na siya from family, to business, to career. More on personal. Pero hindi ko na po siya ise-share kasi naayos na naman na siya,” pahayag ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

Bakit ba niya nasabi na parang wala na siyang silbi? “Kasi ganu’n naman minsan, e. Kapag depressed tayo, minsan we end up na parang self-pity, na napupunta tayo sa ganu’ng part ng buhay natin.

“And for the first time after a decade po sa buhay ko, sa mundo ng showbiz, nakaramdam po ako ng ganu’n.

“Parang I’m feeling worthless, na parang hindi na ako kailangan sa industry, na itong mga taong nakatrabaho ko, nakakasama ko, including GMA, they helped me realize na ‘mali ang iniisip mo.’

“Ang sarap lang sa feeling na may mga tao talaga na darating sa buhay mo na talagang makakatulong para maka-recover ka sa mga pinagdaraanan mo.

“But good thing naman po, I was able to get over that. And hindi po ako napunta du’n sa…hindi ako nagbisyo o nagdroga, whatsoever. Buti na lang po,” pagbabahagi pa ng binata.

Paano siya naka-get over sa dark moments ng buhay niya? “With work po talaga, e. And yun nga po, ginagawa ko yung Five Breakups And A Romance, tapos sabay to (A Family Of Two), overlapping sila, e. So, parang ito yung naging therapy ko.

“Talagang sobrang nakatulong yung mga projects na ‘to at yung mga kasama ko rito,” tugon ni Alden.

Sa dami ng trabaho mo, bakit naisip mo pa na wala kang silbi? “Kasi dumating rin po ako sa point na wala akong trabaho for three months. Pero baka feeling ko lang yun kasi during that time siguro I was just ungrateful.

“Pero buti na lang talaga naibangon ko pa rin yung sarili ko after that kasi sometimes, everyone of us we go through something dark in our lives pero at the end of the day tayo lang ang tutulong sa mga sarili natin,” aniya pa.


Samantala, super proud sina Alden at Sharon sa kanilang MMFF 2023 entry na “Family Of Two” dahil naniniwala sila na napakaganda ng pagkakagawa ng kanilang pelikula mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel del Rosario, handog ng Cineko Productions.

Baka Bet Mo: Alden ‘kawawa’ raw sabi ni Lolit Solis: Hanggang ngayon meron pa ring mga tao na gustong makialam sa buhay niya

“Ito ‘yung panahon, especially Pasko, at ang Pasko ay para sa pamilya, especially pagdating sa mga Pilipino, hindi lang Pilipino maging ibang tao sa mundo,” ang sey ni Alden.

“This film is so light and feel good, heartfelt,” aniya pa.

Sey naman ni Sharon, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang nasabing proyekto lalo na nang malamang si Alden ang gaganap na anak niya sa movie.

“Walang kaduda-duda, nu’ng sinabing Alden Richards ‘yung kasama ko, right away, kahit walang pang script, ‘Ay, Alden Richards? Go, go, go!'” sey ni Mega.

“I miss doing this type of movie na parang ito ‘yung isa sa pinaka-wholesome at funny at heartwarming na movies na nagawa ko na hindi sobrang, ‘O kailangan mabigat ‘yung drama para mapaiyak ‘yung audience.’ Hindi siya ganu’n, e,” sey pa ni Ate Shawie.

Ang “Family of Two” ang ikalawang pelikula ni Alden ngayong taon, ang una ay ang certified blockbuster hit na “Five Breakups and a Romance” kasama si Julia Montes. Kumita ang pelikula ng mahigit P70 million sa takilya.

Read more...