IPINAGDARASAL at umaasa ang buong produksyon ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Mallari” na maabot din sana nila ang tagumpay ng “Feng Shui”.
Alam naman ng lahat na isa ang “Feng Shui” (ipinalabas noong 2004) sa pinakamatagumpay na horror film sa Pilipinas na pinagbidahan ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Kaya naman ang wish ng Mentorque Productions at ng lahat ng cast members ng “Mallari” sa pangunguna ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.
Ayon sa writer ng “Mallari” na si Enrico Santos at sa direktor nitong si Derick Cabrido, ang “Feng Shui” ni Direk Chito Roño ang kanilang peg pagdating sa intense ng pagka-horror ng pelikula.
Sabi ni Enrico, “Sana nga mapantayan lang. But I would love to say na I hope the legendary Feng Shui, makahabol man lang kami.
“Dahil wala naman pong tatalo du’n, iconic na iconic yun. Makalapit lang kami du’n, honored na honored na kami,” aniya sa naganap na mediacon ng “Mallari” na ginanap sa Cinema 5 ng SM MOA last Friday, December 1.
Tila nahiya naman si Direk Derick nang sagutin ang tanong tungkol sa pagkukumpara sa “Mallari” at sa “Feng Shui”, “Kung mapantayan o malagpasan, well, hinihiling namin na sana, tumatak yung Mallari.
Baka Bet Mo: Piolo Pascual tinawag na ‘Most Promising Old Actor’, umaming naapektuhan ang katawan, mental health dahil sa ‘Ibarra’
“Kung mapantayan siya o malagpasan siya, only history can tell. Hindi ko po masabi. It really depends. Only time can tell. Pero ano po, hopefully, sana po,” sey pa niya.
Napanood na namin ang full trailer ng naturang MMFF 2023 entry at naniniwala kami na magiging malakas ang laban nito sa box-office sa darating na December 25.
Kitang-kita rin sa trailer na ginastusan nang bonggang-bongga ang pelikula at hindi tinipid. At tama si Piolo na talagang napakalaki ng produksyon ng “Mallari” na pwedeng-pwedeng ipagmalaki sa international scene.
Hindi na rin kami nagtaka kung bakit kinuha ng Warner Bros. Pictures ang “Mallari” para maging official distributor dito sa Pilipinas at maging sa iba pang panig ng mundo.
Naikuwento rin ni Enrico na nagsimula lamang sa joke ang pagsasapelikula ng buhay ng serial killer na si Fr. Juan Severino Mallari.
“Mayabang kami ni Direk, Nagyayabangan kami brainstorming. Pag may sinabi siya isa, dadagdagan niya. Pag may sinabi ako dadagdagan ko.
“So, ginawa namin isa, sabi ko direk ayokong isa gawin natin dalawa para may present day. Hindi gawin mo tatlo sabi niya, nagsimula siya as a pusta.
“Impossible kasi 1812 tas 2023, Yung mga Gen Z, hindi makakarelate. Wala alo mahugot papunta 2023. Siyempre MMFF 2023, mga bata, so kailangan mo maitawid ng konti.
“1812, 1946, bago mag 2023. Para madala mga tao, ah naimbento na ang camera, TV, cellphone, kasi gamit yun sa pelikula. So we had to create some supernatural manner para makita ng audience ang 1812,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Hirit ni Piolo Pascual sa pagpapakasal at pag-aasawa: ‘Kapag tuli na po ako!’
Sabi pa ni Enrico, ipakikita sa pelikula ang “evolution of fear” ng mga Pinoy, “Kasi rin po, tinatry namin gawin social commentary on what is fear sa mga tao, noong 1812, ang fear ng tao demonyo, maligno, kasalanan, haciendero masungit o pumapatay.
“Ano fear ng 1946-1948, CIA, nag-imbento ng aswang sa probinsya. 2023, ano nakakatakot? Kapwa tao na di ba, hindi na multo. It is a really good exploration of fear through the centuries and I hope makita niyo when you watch the movie.
“Hindi takutan pero latag ng kultura natin. Bakit lagi tinatakot ang Pilipino ng Kastila, Amerikano, at ngayon tayo,” sabi pa ni Enrico.
Samantala, pagkatapos ng naganap na presscon ng kauna-unahang horror movie ni Piolo, sinundan naman ito ng bonggang “Mallari” FanCon na ginanap sa MOA Activity Center.
In fairness, talagang sinugod ng mga fans ang naturang FanCon na dinaluhan ng cast ng pelikula kabilang na sina Piolo, Janella Salvador, Gloria Diaz, JC Santos, Ron Angeles, Direk Derick Cabrido, Enrico Santos, at ng producer na si John Bryan Diamante.