MAY kumakalat na balitang kaya nakipaghiwalay ang sikat na aktres sa dyowang aktor ay dahil utos daw ito ng management company ng binata lalo’t malapit daw umano sila sa isa’t isa ng manager niya.
Bongga, may bagong anggulo pala hindi ako na-inform dahil ang alam namin ay sa kapwa niya aktor nali-link ngayon ang dyowa ng sikat na aktres na way-way back pa ay sila na bago pa dumating si gurl sa buhay ni boy.
“Ginagawan na lang ng ibang anggulo para hindi gaano ma-focus kay (actor-lover) kasi nga alam mo na, at least kung management ang may utos, e, ‘di lusot meaning hindi nakakatulong sa career ni boy si gurl kaya hiwalay na lang,” chika ng aming source.
Saka hindi talaga kapani-paniwala ang pinalulutang na isyu sa dyowang aktor ng sikat na aktres dahil wala naman kaming nabalitaang patola ito sa same sex dahil napakalayo sa imahe.
Sa kasalukuyan ay unti-unti nang may pa-reveal si sikat na aktres na wala na sila ng dyowang aktor, ay ex-dyowa na pala at walang pinagsisihan ang una dahil tulad ni Kathryn Bernardo, ibinigay niya ang nararapat na pagmamahal bilang girlfriend, pero nagawa pa rin siyang lokohin at hindi pa niya kabaro.
Anyway, kuwestiyonable rin si sikat na aktres dahil inlababo siya sa aktor na nakasama niya sa pelikula na noon pa pala niya crush hindi lang nagkatagpo ang kanilang landas dahil pareho silang may mga karelasyon noon at ngayong parehong libre na ay waiting na lang daw si gurl na magparamdam sa kanya.
***
Nagsimula nitong Disyembre 1 ay napapanood na ng mga Pilipino sa Canada ang ilang mga programa ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, kung saan available ang mga ito nang on-demand sa YouTube channel.
Puwede nang mag-catch up ang mga Pinoy sa Canada sa pinakahuling episodes ng mga paboritong Kapamilya teleserye sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan available ang pinakabagong episodes isang linggo pagkatapos itong ipalabas sa Pilipinas.
Ma-eenjoy dito ang mga primetime show na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at “Senior High” ni Andrea Brillantes.
Tuloy-tuloy naman ang kulitan at good vibes ng madlang people kapag pinanood ang “It’s Showtime.” Sigurado namang paiinitin ang mga emosyon ng mga manonood sa mga pasabog na rebelasyon sa mga pang-hapong seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin.”
Pwede na ring makibirit at makisaya kapag sinubaybayan ang musical game shows na “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at “I Can See Your Voice” kasama si Luis Manzano.
Sa mga nais namang kumuha ng inspirasyon at sari-saring chikahan, samahan sina momshies Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Regine Velasquez sa lifestyle talk show na “Magandang Buhay.”
Nauna nang naging available worldwide nang on-demand sa YouTube ang primetime teleseryeng “Senior High” bilang parte ng layunin ng ABS-CBN na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.
Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.