Advice ni Sharon Cuneta sa KathNiel fans: ‘Do not take sides’

Advice ni Sharon Cuneta sa KathNiel fans: ‘Do not take sides’

Sharon Cuneta, KathNiel

ILANG araw na mula nang makumpirma ang hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, maraming sikat na celebrities ang nagpahayag pa rin ng kanilang kalungkutan sa social media.

Isa na riyan ang batikang singer na si Megastar Sharon Cuneta.

Sa isang Instagram post, hinimok ni Sharon ang fans na maging “kind” at huwag pumanig kaninuman sa gitna ng breakup ng KathNiel.

“All we can and should do is pray for her and Daniel. Please, let us not take sides like Kath has requested,” sey ng Megastar.

Caption pa niya, “Be kind to those who are hurting and pray for them instead of judging and making up stories in our heads.”

Ipinaalala rin ni Sharon na ang mga nakikita sa mga telebisyon ay malayong-malayo kumpara sa kung ano talaga ang nangyayari sa totoong buhay ng mga artista.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa hiwalayan ng KathNiel: Ang tagal din ng 11 years

“Ang nakikita lang natin lahat ay pictures at mga palabas naming mga artista sa TV at pelikula, pero di natin alam ang nagaganap pag silang dalawa na lang ang magkaharap,” wika niya sa IG.

Pahiwatig pa niya, “Be strong too, Kathniel fans. If you truly love them, you must love them even if they are now apart.”

“God bless you, my girl Kath, and you too, DJ. Only you two know what is best for you, and everyone else should respect that and not make it their business,” mensahe niya pa sa dating mag-dyowa.

Sa hiwalay na post, binalikan ng 57-year-old na aktres ang kanyang personal na karanasan.

Ibinandera ng singer ang naging komento niya sa breakup post ni Kathryn.

Ikinuwento ng Megastar ang naging love story ng dating “ShaGab” na kung saan ay kasama niya ang veteran actor na si Gab Concepcion na humantong din sa paghihiwalay.

“Reading this brought me back to ‘that time’ in my life… ‘those times,’ because I had to endure my pain and face public scrutiny more than once, and I am not even sure if I will ever have to go through all that again,” pagbabahagi ni Sharon.

Dagdag niya, “I am crying for you because I too have loved you as much as you both did.”

“I am so proud of how you have handled this whole situation in this one post. This too shall pass,” aniya pa sa dalawa.

Kung matatandaan, nagsimula ang pag-iibigan nina Sharon at Gabby nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal ang dating couple.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC Concepcion.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador na si Kiko, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Read more...