Hugot ni Paolo Contis: Learn from your mistakes para hindi mo na ulitin pa

Hugot ni Paolo Contis: Learn from your mistakes para hindi mo na ulitin pa

Rhian Ramos at Paolo Contis

RELATE much ang Kapuso actor-TV host host na si Paolo Contis sa karakter niya sa latest offering ng Viva Films na “Ikaw At Ako”.

Makakatambal niya rito ang Kapuso actress na si Rhian Ramos mula sa direksyon ni Rechie del Carmen kung saan kasama rin ang veteran stars na sina Boots Anson-Rodrigo at Ronaldo Valdez.

In fairness, kahit na nasuong sa napakaraming kontrobersya, masasabi pa ring napakaswerte ni Paolo ngayong 2023 dahil sa dami rin ng blessings na dumarating sa buhay niya.

Bukod sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay hataw pa rin si Pao sa mga projects niya sa GMA 7 kabilang na riyan ang “Eat Bulaga” at “Bubble Gang.”

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya this year ay ang “Pangarap Kong Oscar” at “The Cheating Game”. Natapos na rin ng aktor ang movie niya with Patrick Garcia and Kaye Abad, ang pelikula nila ni John Arcilla at ang “Fuchsia”.

Plus ito ngang “Ikaw at Ako” na showing na sa mga sinehan simula sa December 6. Kuwento ni Paolo tungkol sa naturang pelikula, “It is a romantic drama that features three stories depicting the different stages of love.

Baka Bet Mo: Paolo Contis dyowa pa rin si Yen Santos, walang something kay Arra San Agustin

“The first one is about puppy love between kids Fatima Mislang and James. The second story focuses on marriage, with me and Rhian Ramos as a couple about to break up.

“The last story is about an elderly couple in their final days and stars Boots Anson-Roa and Ronaldo Valdez. The movie also stars Phoebe Walker and Andrew Gan,” aniya.

Ayon sa Kapuso actor, naka-relate siya nang bongga sa tema at istorya ng “Ikaw at Ako” dahil marami-rami na rin siyang pinagdaanan pagdating sa lovelife.

“Ay oo, sanay na tayo diyan. But seriously, the movie shows about the different processes and struggles a couple goes through in the course of their relationship.

“I play Anton and Rhian plays Marga. We were married in the States but things didn’t go well and she wants a divorce. There are similarities between me and Anton, but I’d say that Anton is more refined in how he deals with things.

“There are things I hope I handled differently, but you just hope that you learn from your mistakes para hindi mo na ulitin pa,” aniya pa.

Nagkasama na sina Paolo and Rhian sa ilang show ng GMA pero ito ang unang pagkakataon na gumawa sila ng pelikula together, “I have already worked with her in MKK. In GMA, I usually play villain roles in action series and she does dramas. So there weren’t a lot of opportunities to work with her.

Baka Bet Mo: Ryan Bang tuwang-tuwa nang makasama sina Bitoy at Paolo Contis sa ‘Bubble Gang’: ‘Kaya abangan n’yo!’

“But this movie something very different because we play full length dramatic roles that are very demanding and it’s so nice to work with her kasi napakagaling niya.

“I feel fortunate to be working with her. Magaan siya katrabaho and is very professional. Maraming married couples na makaka-relate sa experiences ng characters namin in the movie,” sabi pa ni Paolo.

Natanong din si Pao tungkol sa kanyang lovelife, partikular na ang pang-iintriga sa kanila ng co-host niya sa “Eat Bulaga” na si Arra San Agustin kung saan nabigyan ng malisya ang isang eksena nila sa noontime show ng GMA 7.

“Hindi naman totoo yun. Ang nangyari kasi, they circulated videos showing us looking so close but we’re just doing our job and it was just maliciously edited,” esplika ni Paolo kasabay ng pagsasabing sila pa rin ng kanyang dyowa na si Yen Santos.

Samantala, panoorin ang tatlong klase ng pag-ibig, mula sa tatlong kwento mula sa magkakaibang henerasyon. Pare-parehas na nangangako ng pagmamahal na wagas, pangakong habambuhay ay “Ikaw At Ako”.

Baka Bet Mo: Paolo Contis, Arra San Agustin trending matapos ang ‘lambingan’ moments sa ‘Eat Bulaga’, hirit ng netizens: ‘Co-hosting as a friend?’

Magsasama-sama sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Ronaldo Valdez, at Boots Anson-Roa para sa isang pelikula na ipakikita kung anong nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa bawat isa, at ano ang mga kailangan mong pagdaanan para rito.

Ipakikilala rin sa pelikula ang young at promising talents nina Fatima Mislang at James Ezekiel Ignacio.

Abangan kung paano nila harapin ang bawat emosyon – kasiyahan man, kalungkutan, paghati, pagkapagod at maraming pang iba – lahat para sa pag-ibig.

Ang unang kwento ay tungkol sa mag-asawang nasa sunset years na ng buhay (Ronaldo Valdez at Boots Anson-Roa). Naghihirap na sa Alzheimer’s disease ang isa, at ang isa naman ay nahihirapang harapin ang sinasapit ng asawa.

Ang pangalawang kwento ay tungkol sa mag-asawang sina Marga (Rhian Ramos) at Anton (Paolo Contis) na nasa mid-years ng kanilang buhay. Nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama kaya naisip nilang tumakas sa mundo para makapag-isip isip at subukang isalba ang kanilang relasyon

Ang pangatlong kwento ay tungkol sa puppy love na mamamagitan kina Tintin (Fatima Mislang) at Miggy (James Ezekiel Ignacio) na magkakakilala sa summer camp at magiging tagapagtanggol at takbuhan ang isa’t isa.

Paano kakayanin ng mga puso nilang nagmamahal ang mga pagpasubok na kailangang pagdaanan? At paano rin magtatahi-tahi kanilang mga kwento?

Produced by Viva Films at mula sa direksyon ni Rechie Del Carmen, showing na ito sa December 6, sa mga sinehan nationwide.

Read more...