Maja Salvador ibinandera ang pagiging preggy: Christmas came early

Maja Salvador ibinandera ang pagiging preggy: Christmas came early

SUPER happy ang aktres na si Maja Salvador at ang asawa nitong si Rambo Nuñez dahil sa maagang pamaskong regalo sa kanilang mag-asawa.

Ngayong araw ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan at isang video sa kanyang Instagram account bilang anunsyo ng kanyang pregnancy.

“Christmas came early,” caption ni Maja sa kanyang post.

Makikita sa video na super happy at excited ang mag-asawa sa paparating ng kanilang panganay na anak.

Ipinasilip rin nina Maja at Rambo ang sonogram ng kanilang newest blessing.

Marami naman ang nagpaaboy ng kanilang comgratulatory messages para sa mag-asawa.

Baka Bet Mo: Maja Salvador ‘super ready’ nang magka-baby kay Rambo Nuñez: ‘Pwede na ibigay ni Lord anytime!’

“Aaaw this is so adorable 😍 Congratulations Maja and Rambo!” saad ni Bianca Gonzalez.

Comment naman ng dyowa ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos, “napasayaw ka pa a [laughing emoji] @rambonunez. congratulations!”

“Omgggg! Soooo happy for you!! [heart emoji] Enjoy being pregnant!!” masayang bati ni Kris Bernal kay Maja.

“Wooooow congrats [heart emojis] the best gift!!!!” sey ni Karen Davila.

Hirit naman ni China Cojuangco, “Maaaaaaj!!! Hindi na bebe tawag ko sayo nyan… Mumsh na din! 😍 @yaneenunezalvarez May bago na tayong ka-Mumsh!!! Hahahahahaha! Oh em!”

Super happy rin ang ina ni Rambo na si Marilen Nuñez sa kanyang paparating na apo.

“Very happy Oma here!!! Love you both and Bengbeng!” comment nito sa post ni Maja.

Matatandaang July 31 nang ikinasal ang dalawa na ginanap pa sa Bali, Indonesia.

Read more...