Michelle Dee magbabalik showbiz matapos ang Miss Universe journey

Michelle Dee magbabalik showbiz matapos ang Miss Universe journey

PHOTO: Instagram/@michelledee

PAGKATAPOS ng kanyang Miss Universe journey, muling magbabalik sa mundo ng showbiz ang beauty queen-actress na si Michelle Dee.

Ito ay kinumpirma niya mismo sa kanyang X (dating Twitter) account kamakailan lang.

Ayon kay Michelle, isang espesyal na role ang kanyang gagampanan sa isang show.

“Joining a show soon with a very ‘special role.’ Any guesses?” wika niya sa post.

Dagdag niya, “Clue: ala-Freya.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee wagi bilang Best in National Costume, Miss Universe binatikos ng Pinoy fans

Kung maaalala, ang huling karakter na ginampanan ni Michelle ay bilang “Freya” sa GMA series na “Mga Lihim ni Urduja.”

Mukhang ito ang reference ng beauty queen at may iba’t-ibang hula ang ilang netizens.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I’m sure it’s Black Rider! Bagay sayo pero sana hindi ka member ng Golden Scorpion. Hahaha”

“Blackrider or encantadia…Or GL SERIES WID ANN [emojis]”

“MGA LIHIM NI URDUJA S2? [shocked emoji]”

“It’s gonna be Encantadiaaaaaaa!”

Noong November 25 nang nakauwi na sa Pilipinas si Michelle makalipas ang isang buwan sa El Salvador.

Magugunitang nagtapos sa Top 10 finalists ang ating pambato sa Miss Universe 2023 competition, pero apat na special awards ang naiuwi niya.

Kabilang na riyan ang  Spirit of Carnival Award, Miss Universe’s fan vote, Voice for Change gold award at Best National Costume.

Taong 2021 nang makuha ni Michelle ang kauna-unahan niyang acting award na “Best New Movie Actress of the Year” sa 36th PMPC Star Awards for Movies.

“Yan ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Because I Love You.”

Read more...