USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens ang ibinahaging video ng aktres na si Liza Soberano bilang pagsuporta sa Palestine.
Sa kanyang latest TikTok video na posted nitong Miyerkules, November 15, makikita na nili-lipsync ng aktres ang lyrics ng kanta ni Lorde na “Team” habang naglalaro ng watermelon filter game.
Bagamat walang diretsahang binanggit si Liza sa kanyang post ay sapat na sa mga netizens at sa mga nakakaintindi ng kanyang cryptic post na ito ang kanyang subtle way ng pagpapakita ng suporta sa Palestine.
Ang watermelon kasi ang ginagamit ng mga mamamayan ng mga taga-Palestine bilang pagsimbolo sa kanilang bansa. Makikita kasing present ang lahat ng kulay ng kanilang bandila (pula, itim, berde, at puti) sa naturang prutas kaya ito ang kanilang ginagamit na simbolo matapos i-ban ng Israel ang mga ito sa pagwagayway ng kanilang bandila sa publiko.
Bukod pa rito, tila mensahe rin ni Liza sa mga taga-Palestine ang lyrics ng napili niyang kanta.
“We live in cities you’ll never see on-screen. Not very pretty, but we sure know how to run things. Livin’ in ruins of a palace within my dreams. And you know, we’re on each other’s team,” lyrics ng chorus ng kantang “Team”.
Baka Bet Mo:Liza Soberano nilinaw kung sino ang kasamang afam habang nakasakay sa motorsiklo
@soberanoliza♬ original sound – nemahsis
“Thankyou so much for being a human standing in solidarity with palestine,” saad ng isang netizen sa video ni Liza.
Comment naman ng isa, li got teary eyed i thought no pinoy celebs supports them, from now on you’re the only celebrity i’ll look up to such beauty and beautiful soul.”
“The only Philippines superstar that is brave enough to stand with Humanity [heart emoji] You earned my respect Liza,” sey naman ng isa.
Matatandaang nauna na ring nagpahayag sina Janella Salvador at Anne Curtis sa kanilang pagkabahala sa nagaganap gyera sa pagitan ng Israel at Palestine lalong lalo na sa nagiging epekto nito sa mga batang nadadamay at walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanilang paligid.