Paolo Contis dyowa pa rin si Yen Santos, walang something kay Arra San Agustin

Paolo Contis dyowa pa rin si Yen Santos, walang something kay Arra San Agustin

NILINAW ng TV host-actor na si Paolo Contis na nananatili pa rin silang magkarelasyon ni Yen Santos.

Sumalang ang Kapuso actor sa segment na “Talk or Dare” sa show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama si Chariz Solomon.

Diretsahang tanong ni Tito Boy kay Paolo, “Dahil ito’y napag-uusapan, tanong ng bayan— Kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen?

“Will you talk or will you dare?”

“Talk,” mabilisang sagot ni Paolo. “Para matapos na.”

Aniya, sila pa rin naman ng kanyang naging leading lady sa “A Faraway Land”.

Baka Bet Mo: Paolo Contis, Arra San Agustin trending matapos ang ‘lambingan’ moments sa ‘Eat Bulaga’, hirit ng netizens: ‘Co-hosting as a friend?’

Pagbibigay linaw ni Paolo, “Yes. Kami pa ni Yen. And alam mo, ‘yung mga kumakalat sa ‘min ni Arra, it’s an edited video of a portion in ‘Eat Bulaga’.

“It was maliciously edited. It’s a skit love triangle ni Arra, ako, at saka si Candy played by Betong and they just keep on posting our side of it.”

Matatandaang naging matunog muli ang pangalan ni Paolo nang biglang mag-trending ang isang TikTok video kung saan makikita silang sweet ng kanyang “Eat Bulaga” co-host na si Arra San Agustin.

Marami tuloy ang muling bumatikos sa Kapuso actor at tinawag ito ng kung ano ano.

Pati nga ang relasyon ni Paolo kay Yen ay damay dahil may ilan pang nagsabing mabilis napalitan ang aktres sa puso ng “Eat Bulaga” host.

Read more...