Ex-Kapuso star Lexi Fernandez ikinasal na sa non-showbiz BF sa UK

Ex-Kapuso star Lexi Fernandez ikinasal na sa non-showbiz BF sa UK

Lexi Fernandez, Maritoni Fernandez at Charles Harry Cordingley

IKINASAL na ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez sa kanyang non-showbiz partner na si Charles Harry Cordingley.

Naganap ang private at intimate wedding ng bagong kasal sa Church of St Cyr and St Julitta na matatagpuan sa Newton St. Cyres, United Kingdom, nitong nagdaang November 19.

Sa Instagram account ng nanay ni Lexi na si Maritoni Fernandez, tila piling-pili lamang ang mga bisita na dumalo sa naganap na kasalan sa UK.

Sa ilang mga litrato, makikita ang bride at groom kasama si Maritoni at ang asawa nitong si Mon Dayrit pati na ang mga kapamilya ni Charles.

Baka Bet Mo: Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Ang caption ni Maritoni sa isa niyang IG post, “Today my only baby girl @itslexif married the love of her life @ohcharlesharry in a most intimate UK wedding here in Exeter.

“We are so blessed to have gained a son,” aniya pa.

Nag-post din si Lexi sa kanyang IG ng ilang wedding photos nila ng kanyang husband na may short caption na, “From this day forward.”

Matatandaang nag-propose si Charles kay Lexi noong April, 2023. Ito’y nangyari ilang taon makalipas layasan ang showbiz.

Nagmarka si Lexi sa teleserye na GMA 7  na “Kakambal ni Eliana” noong 2013 na pinagbidahan ni Kim Rodriguez. Napanood din siya sa mga Kapuso series na “My Destiny” (2014) at “Because of You” (2015).

Baka Bet Mo: Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin

Napanood din siya sa Kapamilya series na “The General’s Daughter” na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Kasunod nito, nagdesisyon nga siyang mag-focus sa kanyang pag-aaral at magpahinga na sa showbiz hanggang sa matapos niya ang kursong Bachelor of Science in Child Development at Education degree sa University of Asia and the Pacific sa Pasig City.

Natapos na rin niya ang kanyang masters degree sa Australia noong February, 2020.

Sa isang blog ni Lexi noong 2016,  inamin niyang nakaranas siya ng depresyon at anxiety na isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang showbiz.

Read more...