Ni-repost ni Rhian ang isang “uncomfortable video” sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood si Anne na nagsasalita tungkol sa pagkatalo ng bet ng Pilipinas sa naturang international pageant.
Matapang na ipinagsigawan ng Kapuso star na hindi niya nagustuhan ang naturang video dahil tila wala na sa lugar ang pinagsasabi ng Thai businesswoman.
“I don’t like how this looks. My stomach is turning. Buti marespeto ‘yung kaibigan ko, eh sila?” ang nakalagay sa text caption ng kanyang Instagram story.
Hirit pa niya, “Ewan. Kayo na lang humusga. Tap n’yo for the full, uncomfortable video.”
Sa nasabing video, makikitang biglang hinila ni Anne si Michelle at inutusan umano ang dalaga na sabihin sa mga Thai pageant fans na mag-move on na sa pagkatalo ng kanilang kandidata. Thai language ang gamit ni Anne sa video.
Pero base sa mga comments ng netizen sa video hindi lang daw ang Thailand ang gustong sabihan ni Anne kundi pati na rin ang mga Pinoy. Kinunan daw ang video nang nag-guest ang Miss Universe candidates sa isang TV show sa Mexico noong November 20.
Narito ang ilang komento ng netizens sa ipinost ni Rhian about Michelle and Anne.
“But MMD responsed Mahal ko kayo Meaning she know it indirectly she know na Filipino din pinapatamaan.”
“I feel bad for MMD, ayaw umawat ni mama.”
“Let’s start a Twitter party #BoycottMissUniverse.”
“I asked my thai friends to translate, it’s about Thailand fans daw na to move on kasi nga hnd nila nakuwa yung crown.”
“Even if she didn’t mean anything bad with her words, it’s not nice to talk to somebody in a language she does not understand. That’s not polite.”
“Sa ginawa nyo kay MMD..never mag momove on ang buong PILIPINAS”
“Halatang napaplastikan na si MMD.. her face reaction says it all. Nagtitimpi lang sya pero masakit talaga.”
“Halatang ang uncomfortable ni MMD dito.”
“That was so hard to watch.”
Nauna rito, nagpahayag na rin si Rhian ng pagkadismaya sa naging resulta ng pageant lalo na nang kumalat ang isang art card mula sa Miss Universe kung saan nakasama sa Top 5 si Michelle.