Hugot ni Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5 ng Miss Universe 2023: ‘Sayang hindi ako nakahawak ng mic’

Hugot ni Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5 ng Miss Universe 2023: 'Sayang hindi ako nakahawak ng mic'

Michelle Dee

HINDI itinago ni Michelle Dee ang tunay niyang saloobin nang mabigong maiuwi ang titulo at korona sa katatapos lang na Miss Universe 2023 na ginanap kahapon sa El Salvador.

Talaga raw sobra ang panghihinayang ng Kapuso actress at beauty queen na hindi siya nakasama sa Top 5 finalists ng naturang pageant.

Umabot hanggang sa Top 10 ang aktres pero nalaglag na nga siya nang i-announce na ang Top 5 finalists.

In fairness, knows naman ng sambayanang Filipino kung paano kinarir ni Michelle ang paghahanda para sa paglaban niya sa ika-72 edisyon ng Miss Universe.

Yun nga lang, sey ng dalaga, talaga raw “destiny” ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang makuha ang korona at titulo sa pinakasikat na international beauty contest sa buong universe.

Baka Bet Mo: Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Sanay na kasi talaga akong mag-isa…and I believe in destiny

“Of course, ultimately, it was Nicaragua’s destiny. She’s an amazing woman. So, I mean, on to bigger things, of course,” ang pahayag ni Michelle sa panayam ni Dyan Castillejo.

Dagdag pang chika ni Michelle sa naging experience niya sa Miss Universe 2023 grand coronation, “It felt amazing. It felt like home. You know, I love putting on a show.


“But most especially, I love just making all of my countrymen so proud. And kita niyo naman, talagang binigay ko talaga lahat.

“Everything that I could afford to give, I lifted it on that stage. And ultimately, I just left it to destiny. Of course, it’s not the result that we wanted.

Baka Bet Mo: Hirit ni Regine sa ‘baliktad na mic’ blooper: Minsan talaga ang life gagawa at gagawa ng paraan para ibagsak ka sa Earth, ‘no!?

“But I know, as long as all of you are proud, as long as all of you saw the hard work and dedication that was made behind it, not just for myself, but the whole team behind me as well, that’s enough for me. And ultimately, I hope you all are happy,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Hindi naman inaasahan ng dalaga na marami ang papalakpak at magsisigawan sa pagrampa niya sa pageant na taliwas sa nangyari sa kanya sa preliminaries competition.

“Nagulat ako, siyempre, kasi hindi ganun kalakas nung during the prelims. But of course, when I announced my name, I saw all of the Philippine flags in the audience.

“It is so heartwarming to see all of the Filipinos come together to support the country that we love. It is all about bayanihan, and we really showed the universe what we had to offer,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Sayang hindi ako nakahawak ng mic. But if anything, just know that I was training the whole year to make sure that if ever I had that moment, walang butas. But again, it’s all about destiny.”

Kilala kasi si Michelle ng mga pageant fans na “nangmu-mukbang ng mic” sa pageant na kapag nagsalita na on stage ay mapapanganga ka na lang dahil sa galing niyang magsalita.

Read more...