Melai inispluk kay Luis: ‘Yung nagbuntis ako kay Mela ang lowest part ng career ko, kasi…’

Melai inispluk kay Luis: 'Yung nagbuntis ako kay Mela ang lowest part ng career ko, kasi...'

Melai Cantiveros, Jason Francisco kasama ang 2 ancak

MAY inamin ang TV host-actress na si Melai Cantiveros kay Luis Manzano tungkol sa naging lowest point sa kanyang showbiz career.

Sa panayam ni Luis sa kanyang kaibigang celebrity mom na napapanood sa YouTube channel nitong “Luis Listens”, marami itong naging rebelasyon about her showbiz career.

Isa sa mga naitanong ng TV host-actor kay Melai ay, “Pero sa far ano ‘yung pinakanaging lowest point ng career mo?”

Sagot ng wifey ni Jason Francisco, “Ang masasabi ko is yung nagbuntis ako kay Mela. Lowest part ‘yun kasi mas pinili kong magbuntis sa anak ko kaysa piliin ang career.”

Ang paniniwala raw kasi niya noon at tulad din ng mga sinasabi sa kanya ng ilang kasamahan sa trabaho, kapag nagbuntis daw ang isang artista ay posibleng katapusan na rin ito ng kanyang career.


“Nu’ng time kasi na ‘yun Kuya Luis, sabi nila kapag nagbuntis ka nung time namin, wala ka na sa artista,” pahayag ni Melai.

Dagdag pa ng komedyana, “Sinabihan ko na rin si Ma’am Mariole (Alberto) ng Star Magic. Sabi ko, ‘Ma’am Mariole, puwede mo na kami tanggalin sa Star Magic.’ Inunahan ko na para hindi na kami mag-expect.”

Baka Bet Mo: Netizens umalma nang tawaging ‘mukhang unggoy’ si Melai ng anak, depensa ng komedyana: Joke-joke lang kasi ‘yun guys!

Ang naging desisyon ng management, magbakasyon muna siya habang nagbubuntis, pero mananatili pa rin siya sa Star Magic.

Umuwi siya sa General Santos City at doon nga isinilang ang panganay nila ni Jason na si Mela.

Sa tanong ni Luis kung ano naman ang  highest point sa career niya, “Itong kuwan ko, ‘Magandang Buhay,’ ‘It’s your Lucky Day.’ Itong season ko na ito. Itong masabi kong highest talaga.”

* * *

Matamis na alaala ng pag-ibig ang hatid ng Kapamilya artist na si Janah Zaplan sa kanyang Christmas single na “Pasko’y Nagbabalik” na inilabas sa ilalim ng Star Pop.

Isinulat at iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang awitin na sumasalamin sa pag-alala sa nakalipas na pag-ibig at pagdiriwang ng kapaskuhan kasama ang taong minamahal.

Baka Bet Mo: Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

Saad ni Janah, “This is a reminder how good this season is by reminiscing memories and creating new ones this Christmas.”


Isa si Janah sa mga bagong artists mula sa Star Pop na pinagungunahan ng label head nitong si Roque “Rox” Santos.

Ipinamalas niya ang kanyang talento sa iba’t ibang dance pop singles tulad ng “Maiba Naman,” “Eh Ano Ngayon,” at “Dancing On My Own.” Samantala, napasama naman ang bagong awitin niya na “Pasko’y Nagbabalik” sa Spotify New Music Friday at Fresh Finds Philippines playlist.

Damhin ang pag-ibig sa bagong awitin ni Janah na “Pasko’y Nagbabalik” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms.

Read more...